Simula

0 0 0
                                    


Simula

Hustisya ang sigaw ng aking kaluluwa... sandali, pipi at bulag nga pala ang hustisya. Hindi ang batas ang makakasagip sa akin dahil sunod-sunuran nalang din ang batas sa mga tao. Kayang-kaya nilang piringan ang batas para manatili silang mabango sa paningin ng lahat.

Hindi lahat ng bida sa istorya ay laging mayroong knight-in-shining armor. Hindi lahat ng bida na nasa oras ng peligro ay may dadating na istrangherong biglang makikipaglaban para ma-iligtas ka.  

Tama, dahil sa libro lang may ganon. Nasa reyalidad ako kaya kahit anong gawin kong hingi ng tulong ay walang makakarinig at tila biglang nawalan ng pandinig ang mundo. Walang magkukumahog na hanapin ako sa oras na mawala ako sa paningin. Wala

Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng aking mga luha habang ang katawan ko'y tila tinakasan ng buhay. Isa, dalawa, hindi tatlo, hindi apat... kundi lima, lima silang nagsasalit-salit sa aking katawan. Nagmistula akong karneng hayok na hayok nilang pinag-p-pyestahan.

Isang madilim na silid na binubuo ng apat na sulok ang tanging saksi ng aking pagtangis. Dalangin ko'y huwag na sana akong sikatan ng araw dahil wala na akong makitang natitirang rason para ituloy ang aking buhay.

Pakiramdam ko'y tinanggalan ako ng layang mabuhay, nang oras na pinakialamanan at nilapastangan nila ang pagkatao ko.

At hindi pa roon natapos ang lahat, dahil nagtuloy-tuloy ito hanggang sa umabot ng pitong araw. Isang linggong impyerno ang dinanas ko sa mga kamay ng mga halang ang kaluluwa na'yon, ni hindi ko sila matawag na tao.

Tila naawa yata sa akin ang diyos, at nagkaroon ako ng lakas para tumakas. Lakad takbo ang aking pagsulong, hindi ko ininda ang hilo at pananakit ng katawan. Dahil isa lang ang nais ko, ang makalayo at makaalis.







🤧

PAALALA: ANG ISTORYANG ITO AY ISA LAMANG KAHTHANG-ISIP MULA SA IMAHINASYON NG MAY AKDA. ANG MGA PANGYAYARI, TAUHAN AT MGA LUGAR NA MAY PAGKAKAHAWIG SA TOTOONG BUHAY AY HINDI SINADYA KUNDI NAGKATAON LAMANG

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BurstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon