Video Scandal
Ang opinyon at panghuhusga, kung base sa nakita mismo ng mapanuring mga mata, paano mo pa magagawang ipagtanggol ang sarili sa mga taong naging masama na ang tingin sayo.
Sean: Pati ba naman ikaw Felix! Akala ko ba, magkaibigan tayong totoo! Yung walang iwanan! Yung hindi natin huhusgahan ang pagkatao ng isat isa dahil sa kamalian na hindi natin ginusto!
Felix: Madaling sabihin na magkaibigan tayo! Pero Sean, nadadamay ako! Nadadamay ako sa bagay na ikaw lang ang gumawa!
Yun na yata ang pinakamasakit na bagay ang narinig ni Sean mula sa matalik na kaibigan. Ang iwasan at ipagtabuyan siya.
Magulo sa isip ni Sean ang mga pangyayari. Wala siyang maalala sa video scandal na kumakalat sa social media. O dahil epekto yun ng droga na nainom niya. Droga na pinilit ipainom sa kanya ng nakilala lamang sa party na huli niyang pinuntahan.
Gary: Tikman mo lang! Hindi ka magsisisi!
Sean: Hindi talaga ako nagda drugs!
Felix: Huwag ka ng maarte friend! Push mo na yan! Aalalayan kita pag uwi!
Dahil sa buyo ng kaibigan at pamimilit na rin ng mga taong nasa paligid nila. Isa. Dalawa. Hanggang tatlong lagok ng tableta. Nakaramdam ng pamamanhid ang katawan ni Sean. Ang ingay ng mga nasa paligid niya ay parang nag-e-echo sa pandinig niya. Ang imahe ng nasa paligid niya ay lumalabo at parang mga nagbabago ang itsura. Parang mga halimaw. Naramdaman niya ang mga hawak sa katawan niya at yun ang mga huling alaala niya sa pangyayari bago siya tuluyan nawalan ng tamang pag iisip.
Sean: Gusto kong ipagsigawan na biktima ako! Pero walang maniniwala dahil ang alam nila, kagustuhan ko din ang nangyari!
Paolo: Naniniwala ako sayo!
Si Paolo. Ang kaisa isang tao na nakasuporta kay Sean. Kahit na napapaaway ito sa pagtatanggol sa kanya, hindi pa rin ito tumitigil na damayan at proteksyunan siya.
Gary: Tinatakot mo ba ako? Walang maniniwala sa baklang malanding kagaya mo! Swerte mo pa nga, natikman mo ako at ang mga kaibigan ko!
Sean: Bakit mo ba ito ginagawa? Ang ipahiya ako? Ano bang ginawa ko sayong atraso?
Gary: Yun ang trip ko! Pasensya ka! Kumagat ka eh!
Gustong gumanti ni Sean. Pero nandoon yung takot niya. Dahil na rin sa video scandal na yun, bumaba ang tingin niya sa sarili at nawalan ng kumpyansa.
Paolo: Gusto mo ba ng super hug?
Sean: Pinapatawa mo naman ako eh!
Paolo: Ayaw kong nakikita kang malungkot ka! Kung sila, pinagtutulungan ka, ako! Ako ang magiging shield mo sa mga mapanghusgang tao na hindi alam ang kabutihan mo bilang tao!
Kahit papaano, nagiging magaan ang pakiramdam ni Sean sa presensya ng kaibigan. Ito nalang yata ang ibang tao bukod sa pamilya niya na masasabing kakampi niya.
Sean: Oh bakit napatawag ka?
Felix: Nandito kami sa presinto malapit sa bar na pinuntahan natin!
Sean: Ano naman ang ginagawa mo dyan?
Felix: Na raid yung bar! Tulungan mo naman ako makalabas! Pati si Gary nandito! Nahulihan ng droga! Damay ako dahil same table kami!
Nandoon ang pag aalala ni Sean sa kaibigan. Pero may kung anong damdamin ang pumipigil sa kanya para kaawaan ito.
Sean: Humiling din ako sayo noon! Naalala mo ba?
Felix: Iba yun at iba ang sitwasyon ngayon!
Sean: Walang pagkakaiba! Pareho nating kinailangan ang isat isa! Tumalikod ka! Binalewala mo yung pagmamakaawa ko rin sayo!
Gumaan ang pakiramdam ni Sean pagkatapos ilabas ang sama ng loob sa kaibigan. Karma na rin siguro ang nangyari kay Gary. Pagkakataon na rin ang gumawa ng paraan para iganti siya sa mga taong ito.
Paolo: Are you happy?
Sean: Nakaka kunsensya din naman yung ginawa ko! Lalo pa at matalik kong kaibigan ang humingi ng tulong!
Paolo: Iba naman ikaw sa kanya eh! Nagbabago ang tao dahil sa mga pinagdadaanan niya! Kung dati mabuti siya, maaaring naimpluwensyahan na siya ng iba!
Sean: Salamat ha! Paulit ulit ko yung sasabihin sayo!
Naglabas ng camera phone si Paolo at nag video ito ng papalubog na araw.
Paolo: Move on na tayo at magsimula muli! Lilipas din ang mga nangyari! Huwag lang nating madaliin!
Yung trauma ni Sean maaaring matagal bago mawala. Pero yung pag unawa niya sa mga taong humuhusga ng kapwa, mas lumalim dahil sa kanyang karanasan.
---end---
Please add, follow and vote.
Salamat ka bromansahan :)