Chapter 1

146 1 0
                                    

Nagising nalang ako, na nakatali ang leeg at paa na may takip sa bibig. May mga panusok ang panggapos saken na kinokonekta ng isang mahiwagang kadena sa isang malaking bilog, natatakot akong hawakan.

Wala akong lakas, Nanghihina ako...

Nasa isang malawak na silid ako, parang isla ang kinatatayuan ko sa gitna ng kawalan. Nakatingin lang ako sa buwan habang iniisip kung paano nangyare ito, Bakit ako iginapos?

Isang normal na Bampira lang ako, bakit ginaganito ng kapwa ko? Wala akong kakaibang lakas para gawing hayop. Sa pagmumuni ko, naalala ko ang lahat bago ko magising dito.

'Flashback'

"Anak! Tumakas ka na! Lumayo ka muna! Wag kang magpapakita sa mga alagad ni Draco! Iligtas mo sarili mo, pangako yan ha?" Nakatingin ako sa pulang mata nyang lumuluha.

"Opo Ommy" sagot ko sa nanay ko na halata kong natataranta na sa takot.

"Umalis ka na!" Tinataboy na ko ng tatay ko.

Hindi na ko nakapagsalita at tumakbo sa isang puno at umakyat sa tuktok habang nakikita kong papalapit na sila Draco at ang alagad nya.

Nang makita ko ang nanay kong kinaladkad nyang palabas at sinipa sa tyan, hindi na ko nakapagpigil nakita ko pang pinatungan nila ng tanso ang tatay ko, nagtataka ako kung bakit hindi sila naapektuhan dahil lahat kami ay nanghihina sa sa Tanso.

Lumapit ako sa kanila.. at wala na kong natatandaan pa.

'Present'

May paparating...

Tumingala ako sa butas ng dome na kinalalagyan ko. Sapat lang para makita ng buo ang buwan. May sillhoutte ng isang lalaki na una ang ulo na pabagsak dito.

Lumapag sya ng mabilis na halos hindi ko sya makita kung napano na sya dahil sa alikabok na ginawa ng pagbagsak nya,

"How are things Drake?" Ngumisi sya.

"Draco."

Lumakad sya papalapit sakin.

"Alam mo bang tatlong buwan kang tulog at napakalaki ng sinira mo sa plano ko?" Nawala ang mapaglaro nyang ngiti.

"Wala akong pake. Ano bang kailangan mo sakin?" Maangas kong sagot.

"Ang kapangyarihan mo. Hindi mo pa alam, kasi yang impokrita mong nanay hindi sinasabi sayo. "

"Hoy! Anong karapatan mong sabihan ng impokrita nanay ko?! " singhal ko. Bastos nito.

"Kasi! Kasi... Kasi...." Tumalikod sya sakin "Hindi nya ko minahal. Pinili nya ang de pakpak mong tatay!"

Aw bitter.

"HINDI AKO BITTER! AAAAAAAH!" Sinigawan nya ko. May lakas itong kasama hindi ako naapektuhan,.

"Psh. Bite mark. Napaka swerte mo at breeder si Felicity. Malakas ang bite mark mo."

"Tss. Inggit ka?" Lahat ng bampira may 5 bite mark na pwedeng ibigay sa mga nilalang na gusto nilang protektahan, magiging invulnerable sa atake ng mga nilalang na mas mahina sa nagbigay. Tss, buti nalang at isang breeder ang nanay ko at mas malakas ang pagprotekta ng bite mark ko.

"Tatapatin kita, ngayon oo naiinggit ako sayo. Hindi dahil sa bite mark mo kung hindi dahil sa pagiging itinakda mo. "

Itinakda?

"Anong itinakda?" Biglang nag-flash sa utak ko ang kaganapan noon.

Nanlalaki ang mata ko sa pagtagpi-tagpi ng memoryang nakakalap ko

"Yes you're right. You are The Special Creature" at ngumiti sya na parang may balak saakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon