,.hahaha kinoy paste ko yung soft copy nito sa cp ko ^__^ , eh kasi naman eh wala na yung diary ng panget dito sa my wattpad eh gustong gusto ko pa naman na kahit malapit nang i-publish yung eh gusto ko parin na may-copy ako dito sa wattpat, malay natin hindi afford ng mga iba yung book hahahh "kidding". here it goes,..(paste).,sana my bumasa din dito hahaha.,,.
,.pasted by aEle
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Diary ng Panget written by Denny
Mahirap maging maganda Bawat galaw mo tinitignan nila. Magkamali ka, hindi makakatakas sa kanilang mga mata. Ang mahirap pa, pag gusto mong mangulangot kahit patago... Hindi mo magawa.
Mahirap maging matalino Kelangan lahat alam mo.Lahat itatanong sayo. Lahat gusto mong alamin. Mismong evolution ng ipis, gusto mong madiscover.
Mahirap maging sikat Lahat sinusundan ka. Kahit saan ka magpunta, andyan sila. Sa flash pa lang ng camera nila, hindi na kelangan pa ng ilaw sa gabi. Wala ka ng privacy. Lahat inaalam nila, mismong napkin na ginagamit mo gusto din nilang alamin.
Mahirap maging mayaman Lahat nakadikit sayo. Lahat nakaasa sayo. Lahat umuungot sayo. Lahat gusto magpalibre. Hangga't may singkong duling ka pa sa bulsa, hindi ka nila tatantanan.
----------------------------------------------------------------------------------Dear Diary, Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na langpanget ako.
-Eya
PS. joke lang, nakita at pinagtawanan ako ni Cross, schoolmate kong model ng Bench. ----------------------------------------------------------------------------------// Introduction
*Here we go, come with me There's a world out there that we should see Take my hand, close your eyes With you right here, I'm a rocketeer*
"Oh please, another 5 minutes." yung unang niyayakap ko nilagay ko sa tenga ko at binaon ang mukha ko sa unang pinapatungan ng ulo ko.
*Let's fly Up, up here we go Up, up here we go Let's fly Up, up here we go, go Where we stop nobody knows, knows*
"Uggh! Five minutes, five minutes lang!" inabot ko yung alarm clock ko sa bedside table ko at pinatay ang alarm nito. Astig ng alarm clock ko nuh? May ringing tone, napalanunan ko lang yan sa isang raffle draw sa supermarket. :D
Pabalik na sana ako sa mahimbing na tulog ko ng may isang halimaw na kumatok.
"Hoy Rodriguez, second week of June na! Yung bayad mo sa rent! 1week delay ka na ah!" shet, eto nanaman sa singilan ng rent. Ang kulit naman ng landlord namin, sinabi ko na ngang hindi pa ako makakabayad dahil sa
delay rin yung sweldo ko! "Hoy aba! Rodriguez, alam kong andyan ka pa! Buksan mo 'tong pinto at magbayad ka na ng rent mo!"
Hindi ko sya pinansin at hinayaan ko na lang syang magkakatok at sumigaw sa may pinto ko habang ako naman ay nagbibihis na ng uniform ko at binuksan ko na ang bintana ko, tumalon ako mula sa second floor. Ops, hindi po ako si superman. Kinaya kong tumalon mula sa ikalawang palapag dahil sa ang apartment ko ay hindi naman ganun kataasan kahit pa nasa second floor sya. Saka sanay na akong tumalon dito para tumakas sa singilan.
Haay, pasukan nanaman. Shet naman oh, hindi ko alam kung anong meron sa bago kong school. Alam nyo ba kung saan ako papasok? Sa Willford Academy, sounds sosy right? Well, school talaga kasi sya ng mayayaman. Ang sabi, school sya ng mga anak ng mga sikat na personalities or mga models sila or actors. Pero wag nyong isipin na mayaman ako, sikat ako at maganda ako. I'm the total opposite, as in X & Y ang situation.