Pagsuko

20 0 0
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko bumalik ka lang.
Pero alam ko na wala na itong patutunguhan.
Mas pinili mo kasi siya at di yung ating pinagsamahan.
Kaya heto ako ngayon nagpapanggap na ok lang.

Maiisip mo din siguro lahat ng ito kapag ako'y wala na
Kapag ako'y malayo na at di mo nakikita
Darating din ang iyong karma
Ipagdadasal na lang kita na ikaw sumaya

Walang kinapuntahan ang pagtitiis at sakripisyo ko
Yaan mo na siguro talagang ganito
Ang Diyos siguro sa akin ay may ibang plano
Kaya sa buhay ko maraming binabago

Maraming salamat sa mga pinagsamahang mga taon
Malilimot din kita kapag naglaon
Ako na lang ang lalayo't kayo'y bibigyan ng pagkakataon
Mga alaala ng nakaraan akin nang sa limot ibabaon

PagsukoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon