Nagsimula ang lahat ng ngitian mo ko
Sa ngiti mo pa lang nahulog na ang aking puso
Doon pa lang nangarap na ako na tayo hanggang dulo
Bawat detalye ng mukha mo nga'y aking sinauloTuwang tuwa pa nga ako ng sabihing mong ako'y iyong mahal
Ngunit bakit pagsasama natin di rin ganoon katagal
Mas pinipili mo siya kahit na ako sayo'y nagpapakahangal
Ngayon puso ko'y unti-unting napapagod at napapagalKaya ngayon ikaw na ay aking isusuko
Sana maging masaya ka sa pinili mo
Tatalikod na ako sayo at lalayo
Malilimot din kita at magkakaroon ng buhay na bagoYung wala ka na at ako'y masaya
Yung wala na yung bigat na dinadala
Hindi na mahihirapan pang tumawa
Higit sa lahat sa gapos ko sayo'y makakawalaMakakahanap pa ako ng totoong magmamahal sa akin
Yung totoong mangangako at di ako lolokohin
Yung taong di sasaktan at paglalaruan ang aking damdamin
Paalam na at wala ng dapat pang ulitin
Dahil ang pag ibig kong wagas sayo dito ko na tatapusin