52

6.8K 185 2
                                    

Third Person's POV

Patuloy parin sa paguusap ang dalawang lalaki ngunit bigla na lang umatake si Dare. Nag roundhouse kick sa isa, at suntok naman sa kabila. Pero hindi siya tumigil doon. Naglabas siya ng mga balisong at pinagpuputol ang parte ng katawan ng dalawa habang sila ay nagmamakaawa na itigil, nagsusumigaw at umiiyak. Ngisi at malademonyong tawa lang ang ginaganti ni Dare habang nagtatanggal na rin ng mga organs hanggang sa namatay na ang dalawa sa pagkaputol ng puso nila.

Sobrang duguan ang paligid pero walang maikukumpara iyon mismo kay Dare. Naliligo na siya sa dugo. Dugo ng kalaban. Hindi niya man alintana ang malansang amoy subalit tumayo na siya sa pagkakapatong sa dalawa at ikinuha muna ang tatlo't nilagay sa gilid.

"Hindi habang buhay ay magtatago kayo diyan at magiging duwag. Lumabas kayo at harapin ako.. Matuto kayong humarap sa isang demonyo" napakalamig at sobrang nakakatakot na sabi ni Dare sa walong nagtatago sa mga puno. Di niya lang iyon pinansin kanina dahil naging busy siya sa pagpatay sa dalawa.

Nahalata na ang takot ng walo na kanina pa nilang itinatago. Tagatak ang pawis at ilang ulit silang lumunok sa kaba. Hindi sila gumagalaw sa kanilang pagkapuwesto kaya naman ay naisipan na ni Dare na gumamit ng dahas. Naglabas na muna siya ng mga kunai at nagyayang maglaro.

"Let's play hide and seek, shall we? You go hide and if I find you, I'll kill you. I'll count up to ten. If you're planning to stay where you are right now.. Be ready"

"1"

Nagsimula nang tumakbo ang lahat habang si Dare ay nakatayo lang nakangisi't namumula pa ang mga mata.

"10!" tila isang baliw si Dare at nagbababato ng mga kunai at shuriken sa kalaban na kanyang makikita. Halos lahat ng kanyang matipuhan ay tinatamaan niya sa noo, sa pagitan ng mga mata o kaya ay sa puso. Mas naging mabilis naman ang mga natitira

3 na lang ang natitira at malas sila dahil naglabas na ng panibagong sandata ang ating bida.. Ang kanyang katana. Mas nagiging mabangis siya kapag hawak niya ito kaya naman ay halos mahimatay na ang tatlo.

Ilang segundo pa ang nakalipas at sobrang kalat na ng dugo at iba't ibang parte ng katawan sa gubat.

Malansa.

Pero di na alintana ni Dare iyon sapagkat siya ay sanay na. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kinaroroonan nila Nico.

Samantala...

"Pasalamat sa mga gagong iyon at masmadali nating matatalo ang DDG.. Kailangan niyo nang magmadali. Kunin niyo yung King na yun at kami na bahala dito" sabi ng lalaking may malaking ngisi at nakatingin sa eksenang madugo. Tumawa siya ng pagak at nagsenyas sa kasamahan.

At nagsimula na ang bagong gera.

Dare Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon