Chapter 2

205 8 4
                                    

Nagising ako at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ngayon lang ako umahon galing sa ilalim ng tubig. Mabilis ang mga paghinga ko at nagpanic habang tumitingin sa paligid. I was in some sort of field. Madilim dito at kung di dahil sa sinag ng buwan wala akong makikita na kahit ano.

May lawa sa may likuran ko at gubat naman sa harap ko. Wala akong idea kung paano makakalabas sa lugar na ito dahil napapalibutan ito ng mga puno, at ayoko naman na pumasok doon dahil baka mawala lang ako.

Paano ako napunta dito? Parang kanina lang palapit ako sa aparador para sagutin ang cellphone ko, tapos ngayon nasa field na ako sa gitna ng gubat. And God only knows kung anong oras na.

I felt weird. Di ko alam kung paano ieexplain. I knew I was myself, but I didn't feel like my normal self.

Jusko, nababaliw na ako.

Tumingin ako sa paligid at sinubukan humanap ng daan pabalik. May napansin akong naaaninagan ng sinag ng buwan sa sahig ilang metro ang layo sakin.

Linapitan ko ito at nang makalapit ako narealize kong isa itong tao. Katawan ng isang babae- este lalaki. 2 feet na lang ang layo ko sa kanya. I looked at his slim figure, red stains on his white shirt and denim jacket. Nakahilata siya at yung mukha niya ay nakaharap sa direction ko. Kita ko yung mukha niyang puno ng dugo na nagmantsa sa blonde niyang buhok.

Bukas ang mata niya pero kitang-kita ko na patay na siya. May sugat siya sa ulo at tumutulo ang dugo sa mukha niya.

Ramdam ko ang kabog ng puso ko sa dibdib ko nang mamalayan ko kung ano ang tinititigan ko.

Yung katawan na nasa harapan ko ngayon, pagmamay-ari ko.

Lumayo ako at sumigaw. Di ko matanggal yung tingin ko doon. Patay na ako, at tinitignan ko yung sarili kong patay na.

Siguro kung normal na araw lang to tatawanan ko lang yun eh. Kasi parang pang baliw pakinggan.

Di ko napansin na may isang hubog ng katawan na nakatayo malapit sa bangkay ko. Lumuhod ito at pinasok ang kamay sa bulsa ng denim jacket ko, kinuha ang phone ko bago ibulsa sa kanyang pantalon.

Tinignan ko siya. Madilim kaya ang nakita ko lang ay ang outline ng kabuuan niya. Di ko man lang makita kung anong itsura o kahit yung damit na suot niya dahil sobrang dilim ng paligid. Pinigilan ko yung hininga ko, takot na baka makita niya ako.

Nakita na sana niya ako, sabi ko sa isip. Hindi niya ako makita, nakatingin siya sa walang buhay kong katawan na nakahiga sa damuhan, walang siyang alam na nandoon ako at pinapanood lahat ng nangyari.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maglakad palayo yung killer mula sa katawan ko at pumasok doon sa madilim na gubat.

Well that's just great. Mukhang na-murder pa ata ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HunHan: The Ghost Beside MeWhere stories live. Discover now