Nagpakopya

180 16 15
                                    

Nagpakopya


" Uy Lia, " pagkalabit ng katabi ko.

"Bakit?" bakas ang iritasyon sa boses at mukha ko.

"Pakopya naman o. Promise mamayang lunch ililibre kita. Hindi kasi ako nakapagreview. Hindi ko kasi naalala na may test pala ngayon." pagmamakaawa niya

"Sira ka ba? Pano kapag nahuli tayo ng Prof natin? Malalagot tayo" bulong ko sakanya habang nakatungo.

"Hindi 'yan. Promise. Kapag nahuli tayo, ako'ng bahala sayo." ngumiti siya sa akin na siyang nagpakalma ng loob ko. And that's the start of everything. Ganyan kami tuwing tests. Kakalabitin niya 'ko. Mangongopya siya. At ako naman 'tong si uto-uto, pumapayag. Inililibre niya din ako, ang kaso lollipop nga lang.

Doon ako nag-umpisang makaramdam ng pagbabago sa tibok ng puso ko. Iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Masaya ako tuwing nandyan siya at matamlay kapag wala sa tabi ko.

Nagbago na ang pakikitungo namin sa isa't isa. Kung dati wala lang siya sa'kin, ngayon para na kaming magkarelasyon pero hanggang "parang" lang. I wish we were, but sadly we're not. My instincts are telling me that he likes me too, pero bakit wala paring usad? Gustuhin ko mang umamin pero natatakot ako. What If I'm wrong and the consequence of it is our bond? It's whether we'll be in a relationship or our friendship will be ruined.

So I didn't gamble. Nakuntento na lang ako sa kung anong mayroon kami. Dahil duwag ako. Pero simula na pala 'yun ng pagbabagong sisira ng lahat. We're drifting apart and I can't do anything about It, but to just go with the flow.

"Lia!" napalingon ako at nakita si Jea na papalapit sa'kin.

"Bakit?" tanong ko sakanya pagkalapit niya saakin.

"Alam mo ba kung nasan si Leo? May sasabihin sana ako sakanya." nagbago agad ang ekspreksyon ng mukha ko ng marinig ang pangalan niya. I miss him. So much.

"H-hindi e. Sige una na 'ko." tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at sumikip ang dibdib ko. I wish he's here to hug me, pero wala e. He's somewhere that I don't know.

A year has passed. We're back to the first stage. We're back to strangers. No morning texts, no midnight calls and no bestfriend talks. Walang kulitan at asaran. But as days passed by, I'm loving him more and missing our moments together. They are asking what happened, but I don't know what's the answer too. I'm still clueless of what happened.

It was a sunny day. We're having exams. He's beside me, but he look so far. Pinipilit kong ibigay ang buong atensyon ko sa sinasagutang papel pero sobrang hirap. Ang hirap pigilan ng puso mong nagwawala na sa loob mo. Ang hirap pigilan ng luhang kanina pa gustong tumulo sa mga mata ko. I want to hug him, but I can't. Ayaw niya na sa'kin and that hurts so much.

Pero parang nagbago uli ang takbo ng mundo ko ng makamramdam ako ng kalabit sa balikat ko. Lumingon ako sakanya, pinipigilan ang mga luha. "B-Bakit?"

"Pwedeng mangopya?" and it started again.

The End


A 499-word short story written by JessicaDiolazo.  




NagpakopyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon