alam mo yung feeling na yun?..yun bang simula palang nung una mong maramdaman yung feelings mo sa para isang tao, alam mo na agad na, magsstay na sya for life.yun tipo bang gusto mo syang makasama.as in--forever na.
Yung feeling na, bawat oras, minuto at seundo na lumilipas at di mo sya nakikita, parang lunod na lunod ka na sa sobrang pagkamiss sa kanya.na kapag ihahatid ka na nya sa bahay tuwing galing kayo sa skul o kaya kahit sa pamamasyal lang, nalulungkot ka ng sobra habang pinagmamasdan yung likod nya habang palayo.
Ganito pala ang feeling ng taong inlove noh?..
cloud nine talaga.Tuwing magkasama kayo, parang feeling mo, kayo na lang sa mundo, walang pakialam sa ibang tao.Basta kayong dalawa, masayang magkasama.
-------------------->
Nasa moving on period ako ngayon. Ayoko ng kahit anong serious relationship from any guy. Alam nyo na, lahat naman tayong mga girls naguundergo dito after breakups di ba?..So bitter >_<
Di ko naman masabi na love ko talaga ang ex ko... Infairness, gwapo naman sya. Tall, dark and handsome, ika nga. Ang "ideal guy" daw, sabi nila--pero ewan ko kung sino nagsabi. Lahat nasa kanya na daw. Gusto sya ng parents ko. May trabaho na sya.Pero ang tanong, ako ba gust ko sya?Hindi siguro. The time nng nakipagbreak na sya, di ko sya hinabol.bahala sya sa buhay nya.tutal, medyo mayabang din sya. Anyway, dahil nga gwapo sya, medyo mataas talaga ang level ng confidence nya,kaya ayun, in the end, di ko din talaga sya nagustuhan.
Ako nga pala si Rozette Pajarin. College student na ko. Accountancy student. i'm a pure Filipina. Yun nga lang, mas nagiging dominant sa look ko yung pagkakaroon ng Korean blood sa father's side ko. I do have chinita eyes. My Korean, name is Lee Jin Rin. Pero never pa kong napunta sa Korea. :D
Ako yung tipo ng girl na..uhm.di naman sa pagyayabang, pero madaming suitors.naka-10 na boyfriends na ako.pero half pa lang talaga sa kanila yung like ko talaga, some of them, crush ko lang, and meron ding napagtripan lang.
haay, tingin nyo ba bad girl ako?
Pero first things first, may different levels nga pala ko ng attraction sa guy. First level, ung crush. Based purely on looks at talent lang to. Second level, yung like. Kasama na dito both yung looks & talent, at yung ugali. Lastly, yung love na talaga. Dito sa ultimate level na to, looks doesnt count, pwede pa ring kasama yung talent, pero mostly, ang mahalaga yung ugali..and the most important, yung element na hindi mo maintindihan kung bakit di mo kayan mawala yung person, that's the part na hindi mo talaga makokontrol.