T E A S E R

12.5K 187 31
                                    

SANTILLIAN SERIES


"Guilty Pleasure"

[Gabriella Santillian]


TEASER



                                     Kung minsan di natin inaasahang ang taong higit na mamahalin natin sa ating buhay ay s'ya ring taong higit na makakasakit at dudurog ng ating buong pagkatao. Naniniwala ka ba sa tinatawag na tadhana? paano kung ang taong inaakala mong s'yang nakatadhana para sa iyo ay s'ya ring taong wawasakin ang buong pagkatao mo? na walang intensyong mahalin ka talaga, kundi isa ka lamang gagawing kasangkapan sa kanyang paghihiganti? Handa ka pa rin bang ipaglaban ang tinatawag mong tadhana para sa iyo? o ikaw na mismo ang bibitiw sa pinanghahawakan mo?



GABRIELLA SANTILLIAN when you heared her Surname alam mo nang nabibilang s'ya sa mga aristokratong tao sa lipunan, ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Santillian, hindi lang s'ya kilala bilang isang sikat na modelo sa kanyang hinirasyon, bagkos isa sa nakakabit sa kanyang pangalan ang pagiging bratinela ng mga Santillian, lumaking spoiled at may paninindigan sa buhay, what she wants, she gets! Ngunit sa kabila ng kanyang mga katangiang taglay ano ang magiging dahilan para ang kanyang buhay ay baguhin lamang ng isang lalaking minsan nyang nakasama sa isang gabing s'yay nakalimot, and she would say it was only a "GUILTY PLEASURE."



Ang taong minsang nasaktan, para sa kanila napakahirap na bumangon lalo na kung buong buhay at lahat naman ay ginawa ng taong iyon para sa taong kanyang minamahal, pagkatapos umasa at paasahing s'ya na nga ay maiiwan ding luhaan sa huli, minsan kalang makaramdam ng pag-ibig na tapat, minsan mo lang din mararamdaman ang pagmamahal na kahit kailan maaring di mo na mahanap pa sa iba, kaya napakasakit na matapos ang lahat ng sakripisyo mo at ginawa maiiwaan ka pa ring luhaan at mag-isa, sabihin mo mang maayos ka ngunit ang totoo paano at saan ka magsisimula uli? Gayong ang ang iyong puso na dati'y puno ng pagmamahal ngayon nababalot na ng pag-aalinlangan at ibig na makaganti, di man sa taong iyon mismo o kahit sa mga taong mahal ng taong nakasakit man lang sa iyo. ZANDRO JOHNSONS matipuno at makisig na lalaki, isa sa kilalang nag mamay-ari ng malaking negosyo sa bansang Puti, a Mr. CEO na sa kabila ng yaman at kabaitan nitu nasa puso nya ngayon ang pait na kanyang naranasan sa pag-ibig. Ano ang magtutulak sa kanya para ang isang pag-ibig ay sirain? At makipaglaro sa naglalagablab na apoy ng pagnanasa? Ano ang kanyang magiging motibo para makipaglaro at isigaw sa babaeng sa kanyang nasa harapan ngayon ang kanyang pakay? Mananatili lamang bang pagpapanggap ang lahat o isisigaw din ng kayang isipan that he's guilty, guilty in a sense of doing the pleasure sa piling ng babaeng kanyang sinasaktan.



                            Isang relasyon na nagsimula sa maling pagkakataon at maling panahon, relasyong magbabago ng kanilang mga pananaw sa tinatawag na pag-ibig. Handa ba silang sundin ang kanilang nararamdaman? o mananatili ang kanilang kapwang pagnanais na makuha lamang ang gusto nila at sa huli kapwa lang silang masasaktan? Darating nga ba ang tamang panahon sa kanila para masabing tunay at totoong pag-ibig na ang kanilang nararamdaman? O mananatiling huwad lamang ang tingin nila sa kanilang nararamdaman?



****



AUTHOR'S NOTE: Isang kwentong mula sa angkan ng SANTILLIAN ang tampok dito, ang bunsong anak nina Garrett at Hailey, ang nag-iisang babae ng mag-asawa si GABRIELLA. Maraming salamat po sa mga message nyo sa wattpad at maging sa inbox ko sa pangungulit kung kelan ilalabas etong muli, pero sana po maunawaan nyo kung hindi araw-araw ang update nito di kagaya ng mga nauna kung gawa, noong ofw palang po kase ako walang gaanong work, ngayon po nasa Pinas na ako, at madami na pong work dito syempre kasama na pag-aasikaso kay hubby at sa future baby ko, eto din po ang dahilan kaya di ako nakakapagsulat ng ilang buwan, ang inyo pong lingkod ay nagdadalang tao at kasalukuyang nasa kalagitnaan ng paglilihi..[talagang nagpaliwanag na po ako ng maaga ah, hihihi]..

Ganon pa man maraming salamat sa patuloy na nag-aabang at naghihimok na magsulat ako, kayo po talaga ang inspirasyon ko sa pagsusulat, para po sainyo ang kwentong eto at sana magustuhan nyo po. I THANK YOU!! BOW SABAW! 

https://www.starywriting.com/user/myWork

Guilty Pleasure [Gabriella Santillian]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon