GNGSTR 1//The Deal

10.4K 159 15
                                    

GNGSTR 1 

The Deal

            Ilang months na rin pala ako dito sa Korea. Bilis talaga ng panahon. At sa loob ng ilang buwan na yun, wala akong ibang ginawa kundi kain-aral-net-laro-tulog. Oy pero hindi basta-basta laro lang aa. Volleyball nilalaro ko.

Member na din pala ako ng Volleyball Varsity Team sa school na pinapasukan ko ngayon.

            Tagal ko na ring walang contact sa Pilipinas. Di ko na kasi matawagan si Megan sa sobrang busy ko dito. Tinuturuan na din kasi ako ng parents ko mag-manage ng business namin.

            Naalala ko tuloy si Jared. Aaminin ko di pa din ako nakakamove-on sa kanya. Simula kasi nung mga bata pa kami, mahal ko na siya. Oo batang-bata pa lang, gumagarutay na. ═▁═

            Actually, hindi naman kami umabot ng 4 na taon ee. Isa lang. Nakita ko nun kung pano sya mangulila kay Megan habang nasa ospital sila parehas. Lalo na nung nakita ko syang umiyak habang nasa ICU si Megan. Naawa ako sa kanya kaya sabi ko, "Let me ease the pain. Mahal kita at di kita hahayaang masaktan." Nagulat pa nga nun ee. Umamin ba naman ako. Haha. Ayaw pa nung na, pumayag rin naman. -__-" Hay buhay..

            At sana, hindi masayang ang pagpunta ko ditto. Sana nga makamove-on na ko ng tuluyan. Ako lang din naman yung umaasang magkabalikan kami ee. Pinapaasa ko lang din sarili ko.

            Nga pala, bago ang lahat. Ako nga pala si Karla Monica Reyes. At ito ang istorya ko. J



[Monica's POV]

*Seoul, South Korea*


*snap*

"Oi! Tulala ka na naman! Dismissal na po ateng!" natatawang sabi sakin ni Alleth. Ang unang babaeng nakilala ko dito sa school na to. Pure Filipina sya. Nag-migrate na kasi sila dito gawa nung Kuya nya. Kinuha na sila.

            Si Zhein Alleth Castillo. Maganda, matalino, mabait (?) xD. Yun nga lang, laiterang tunay. Hilig pati magboy hunting. Palibhasa maraming gwapo sa compound nila. =___=

            "Iniisip mo na naman yang lalaki mo sa Pilipinas? Nakuu!! Dami-daming pogi dito sa Korea nu! Move on ka na! Kung ayaw mo, bigti ka na friend. Hahaha. Joke! ^__^v" Si Sheina [Shi-na] Mae Vivas. Pure Filipina rin. Ang babaeng kunyari MAHIYAIN pero pag kaming tatlo na lang, Nakuuu!!  Sarap din tabasan ng dila. -___-

            "Tama tama!! ^_^ Ibalik mo nay un sa dagat at mamingwit ka dito ng mas FRESH. *u*" – Alleth

            "Yah. Freshhhh... *Q*" – Sheina

Ay joskoo. Patawarin po ninyo ang dalawang ito. =___=

"Tara na nga. Mga isip nyo!" sabi ko sa kanila tapos umalis na kami.

            Dun kami ngayon sa bahay nina Sheina. Usapan kasi namin every Friday eh overnight kami sa bahay ng isa samin.

            Lakad lang kami bukod sa di naman kalayuan ee trip daw nila maglakad. Kapagod kaya maglakad nuh! Sayang daw yung 20-20 nilang vision kung mapapalagpas daw nila ang itsura ng mga gwapo. =__=

            "Mga gagers! Tara sa mall. May bibilhin lang ako." Yakag samin ni alleth habang naglalakad.

Marrying A Gangster [Couple or Trouble?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon