In The Middle

698 7 4
                                    

Authors Note: this story is from Phobia or 4bia from Thailand movie. I created this because the story is so funny and a little bit horror. Hindi ko ito trinanslate sa tagalog. Kung ano yung pagkakatanda ko ayun nalang yung tinaype ko. Pero wala naman akong dinagdag dito. Pinalitan ko rin yung mga name nila kasi hindi ko na tanda yung mga pangalan ng mga characters doon. Pero sana makarelate kayo kung napanuod niyo na to. :) Hope you like it. Enjoy :)

---

In the Middle

Tagalog version by: StrawberryStation

---

"huy, gising pa kayo?" - Ivan

"oo. Bakit?" - Ryan

"Narinig niyo na ba yung tungkol sa pagtulog sa gitna ng kagubatan? Ang sabi nila, kapag nag camping daw, huwag na huwag matutulog sa gilid ng tent." - Ivan

"saan mo naman narinig yan?" - Joshua

"kay Nikko. Siya ang nagkwento sa akin nito. Nag camping daw sila dati sa isang gubat. At ang naging pwesto niya ay sa gilid ng tent. Gabi na nun at naisipan na nilang matulog. Siya nalang ang gising. Mula sa labas ng tent ay may narinig siyang bakas ng paa palapit sa tent nila. Shuck... shuck... shuck..."

Kwento ni Ivan habang nilalagyan ng sound effects ang kwento niya.

"at naramdaman niya nalang na parang may gumagapang sa paa niya. At napaupo siya dahil doon. Alam niyo ba kung ano ang nakita niya?" - Ivan

"multo na babae?" - Joshua

"oo. Nakaupo sa dulo ng paanan niya." - Ivan

"sexy ba yung babae?" - Joshua

"oo daw pare. Ang ganda pa. Kung sakali nga daw- Ano ba! Mga manyak talaga kayo! Hindi pa ako tapos sa kinukwento ko eh! Tapos ikaw bigla ka namang pasok! Teka nasaan na ba ako?" - Ivan

"yung nakaupo na siya sa dulo ng paanan niya." - Ryan

"oo tama. Nasisiguro niya daw na babae yun dahil mahaba ang buhok nito kaya natatakpan nito ang buong mukha nung babae. Tapos ang putla daw. Nakaupo lang sa dulo ng paanan niya." - Ivan

"anong ginawa ni Nikko?" - Ryan

"sa tingin mo anong gagawin niya? Edi syempre balik siya sa pagtulog at hinintay na sumikat ang araw! Alangan namang reypin niya yung babae?" - Ivan

"pwede rin. Hahaha!" - Joshua

"tumahimik ka nga! Pero alam niyo ba kung anong sunod na ginawa niya kinabukasan?" - Ivan

"hinintay yung babae para ituloy niya yung binabalak niya?" - Ryan

"ang manyak mo talaga! Syempre kinuwento niya yung naging karanasan niya kagabi. Tapos yung mga pinagkwentuhan niya, may sinabi sila about doon sa babae. Nalunod daw yung babae. Matagal na panahon na." - Ivan

"woooooyyyyyyyyy..."

Sabay sabay naman na sabi ng tatlong nakikinig.

"at alam niyo ba, diyan din yung pwesto ni Nikko kay Cedrick nung nangyari yun."

Tumingin sila kay Cedrick na tahimik habang nakikinig sa kwento ni Ivan. Siya kasi ang nasa gilid ng tent.

"ay nako! Nakakatakot naman yun!" - Ryan

"tumataas yung balahibo ko grabe!" - Joshua

"ano ba! Pwede ba huwag nga kayong magkwentuhan about sa multo kapag ganitong nasa gitna tayo ng kagubatan?" - Cedrick

In the Middle (Short Horror Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon