Araw ng Biyernes,,,
Pumasok na ng paaralan si Elaine kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Bryan. Isang high school student silang dalawa at magkaklase.Magkapitbahay silang dalawa kaya araw -araw silang magkasama sa pagpasok sa paaralan.
Pumasok na sila sa silid,magkatabing umupo,at tamang tama na dumating ang kanilang guro.Nakinig na ang lahat sa pagtuturo ng kanila
ng guro.Hanggang sa uwian na.Tumayo na ang lahat at umalis na.Bago umalis ng paaralan niyaya ni Bryan si Elaine na kumain sa labas. At ang dalaga ay pumayag. Lumakad na sila papunta sa kainan. Umorder ang binata ng dalawang pansit at dalawang maiinom.
Kinuha na ng tindera ang kanilang order at nilapag sa mesa nila. Nagpasalamat si Elaine sa binata at ngiti lang ang binigay nito sa kanya. Ngumiti rin si Elaine. Sinimulan ng kumain ni Elaine.
Habang kumakain si Elaine naitanong ni Bryan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Nagulat ang dalaga sa tanong ng binata pero hindi niya ito pinahalata.Tinumbasan lang niya ng ngiti at kumain ulit.
Hinayaan na lang ng binata si Elaine, kaya kumain na lamang siya. Pagkalipas ng ilang minutong kainan.Lumabas na sila at sinimulan na nilang lumakad papauwi.May naisip ang dalaga kung itatanong niya ang itinanong sa kanya ng binata.
Tinanong na ng dalaga ang binata kung bakit hanggang ngayon wala pa rin itong nobya.Sinagot ito ng pormal ng binata "Ang totoo meron na akong iniibig pero hinihintay ko lang ang tamang panahon para makapagtapat sa kanya at malapit na"......
Parang guguho ang mundo ni Elaine sa sinabi ng binata na mahal niya matagal na. Pakiramdam niya ay didurog ang puso niya sa bawat salitang naririnig mula sa binata. Pinipigilan niya ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata.Ngumiti na lamang siya at lumakad. Ang binata ay sumunod na lamang sa kanya.
Sa bahay ni Elaine..........
Tumakbo papasok sa kwarto si Elaine at doon umiyak buong magdamag. Sinisisi ng dalaga ang kanyang sarili dahil sa tanong na kanyang tinanong sa binata.
"Sana hindi ko na lang tinanong ,sana
hindi na lang, ang sakit sakit, sana hindi na lang ako umasa na mamahalin niya ako. Katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Hanggang kaibigan lang talaga kami........."Ayaw ko ng makulong sa mundo na hindi para sa akin. Ayoko ko ng umasa pa sa pag-ibig mo Bryan". Patuloy pa rin sa pag-iyak si Elaine at patuloy pa rin siya sa pagsisisi sa kanyang ginawa hanggang makatulog siya.
......Sana magustuhan niyo ......