"I'd rather love him from afar and never have him rather than tell him how I feel and have him break my heart into a hundred pieces."
---------------------------------------------
The one I love?
He's cute.
He's handsome.
He's talented.
He's popular.
HE's MR. PERFECT.
And..
HE's MY MR. FAR AWAY kasi kahit kelan hindi ko siya kayang abutan.
Me?
I'm just simply me.
Simple girl dreaming one day he'll notice my existence.
I'm MS. NOBODY.
Isa lang ako sa mga nangangarap mapansin niya balang araw.
Loving him from afar is not easy for me. Yung feeling na classmate ko nga siya pero never naman niya atang napansin ang existence ko, sabagay madami din naman yung population namin sa loob ng classroom, imagine 30 students kaming senior kasi isa lang naman yung section dito sa school namin. Ang problema pa 'dun buti sana kung mga kapwa classmate ko lang nahuhumaling sakanya kaso hindi ee BUONG CAMPUS! Miski grade one student mababalitaan kong inlove sakanya take note huh 'inlove'. Nakakaloka!
Kaya naman kuntento na akong mahalin siya ng patago, kasi sino ba naman ako diba? Isa lang ako sa mga simpleng estudyante na 'siguro' kilala niya, pero sa mukha lang.
Oo na, ang love story ko ay isang produkto ng ONE SIDED LOVE. Yung tipong isa lang siyang malaking PANGARAP.
Bakit ngaba ako na inlove sakanya? Eh hindi pa nga yata kami nagkaka-usap ng mokong nayun ee, pero hindi ko ipagkakailang 'dakilang stalker' niya ako. Siguro nga na inlove ako sakanya dahil sa mga nalaman ko at sa mismong pagkatao niya. Imagine 4 years na akong nahuhumaling sa kagwapuhan niya.
Pero may isang bagay na meron ako, na alam kong pagmamay-ari niya.
His bracelet.
Teka nga! Sandali! Nagpakilala na ba ako? Ayy shunga! hindi pa pala. Ako nga pala si Clare Andres ang babaeng deads na deads kay Jules Clemente.
"Hoy bruha ka! Imbis na tinititigan mo lang yang bracelet niya bakit kaya hindi mo i-try ibalik noh?" Hay. Nangealam nanaman 'tong magaling kong bespren. Ineenjoy ko pangang titigan 'tong bracelet niya na napulot ko ng minsang bumalik ako sa classroom namin ng maiwan ko yung libro ko sa Physics.
"Alam mo ang weird ng bracelet niya noh? Imbis na J yung nakalagay, eh C." Sabi ko kay Nica. Kasi ang weird naman talaga, sinong C?