The Reason Behind...

65 7 4
                                    

"Ahhh" malakas na sigaw ng anim na estudyante habang papalapit ng papalapit na mabangga ang kanilang sasakyan sa isang malaking puno.Dumaloy ang sari-saring dugo sa loob ng sasakyan na aakalain mo na itong napinturahan ng kulay pula.

"So-sorry."hinang hinang sabi ni Arsyn bago siya mawalan ng malay.
------

Nagpasalamat sa Diyos ang mga magulang ng mga estudyante dahil lahat sila ay nasa ligtas na kondisyon ngunit ang isa sa mga pasyente ay nagkaroon ng 'amnesia' o pagkalimot sa nakaraan dulot ng pagkabagok ng ulo nito.

Lumipas ang mga araw, nanatiling magkakaibigan ang anim kahit na ang isa ay hirap paring makaalala.Sa halip, hindi nalang nila ito pinagtuunan ng pansin at nagsimula nalang ng bagong pamumuhay.

"Tara, outing tayo guys,"nakangiting aya ni Joe sa kanyang mga kaibigan na sina Arsyn, Philip, Luis, Jane, at Anne.Agad namang nagsingitian ang mga kaibigan nito't nagtatalon.

"Sige,sige," sabi ni Arsyn na hindi parin tumitigil sa pagtango."Pero saan naman? At kailan?"dagdag na tanong nito. "Oo nga noh?"sabay sabay nilang sabi. Agad naman silang nagisip ng magagandang tanawin. "Alam ko na,sa Boracay nalang tutal may hotel kami doon ipapareserve ko nalang. At saka may beach doon , masarap magswimming."suwestiyon ni Joe. Napatigil silang lahat sa hindi malamang dahilan. "Ah--ah oo doon nalang maganda doon at tutal mainit, masarap ngang magswimming!" putol ni Philip sa katahimikan." Ok, its a deal then. Boracay, Saturday, 9:00 AM. Kita kita tayo sa bahay namin ah," masayang sabi ni Joe.

Dumaan ang mga araw, handang handa ang lahat sa gagawin nilang outing. "Tara na guys! Sakay na kayo."aya ni Joe sa kanyang mga kaibigan. "Sige. Boracay,here we come!"sigaw ni Luis. Mabilis na pinaandar ni Joe ang sasakyan. Bigla namang kinabahan si Jane dahil naalala niya ang mga pangyayari noong sila ay naaksidente. Natulog nalang si Jane para makapagpahinga.

"Pare may pusa!"sigaw ni Philip sabay ang malakas na preno ni Joe. Nauntog ang ulo ni Joe sa manibela na ikinangamba ng kanyang mga kaibigan. " Joe, ayos ka lang ba!"nagpapanic na tanong ni Anne. " Oo ok lang ako."sagot nito. Nakipagpalit muna ng pwesto si Joe kay Philip para makapagpahinga.

------

"Whoooo! Andito na tayo guys! Ang init! Tara na magswimming!"aya ni Philip. Nagising sina Jane at Joe na kanina lang ay mahimbing na natutulog. Bumaba silang lahat at naramdaman nila ang malakas na alon na para bang inaaya silang lumangoy. "Tara na magswimming,ang init eh,"naaatat na aya ni Luis."Pasok lang ako sa loob ah. May gagawin akong surpresa."paalam ni Philip. " Pahinga lang muna ako guys ah nabitin ako sa tulog ko sa byahe eh," natatawang paalam din ni Joe. Sabay na pumunta sa loob sina Joe at Philip at nagpasya naman na lumangoy ang apat na naiwan.

"Whoo! Anlamig ng tubig."sabi ni Anne na nauna ng lumangoy.
"Oo nga haha," tawa ni Jane na kasalukuyang binabasa si Luis.
"Race tayo?"aya ni Luis sa kanila. Agad naman silang umiling dahil alam na nila na sila ang talo. Isa kasing swimmer si Luis.
"Ayaw nga namin,ang bilis bilis mong lumangoy eh." Agad na tugon ni Anne.

Isang oras na ang lumipas,nakaramdam ng gutom ang apat kaya sila ay umahon na.Napansin din nilang hindi pa bumabalik si Philip kaya naintriga sila sa kung ano man ang surpresa nito. "Tignan ko lang sila doon ah. Aayain ko na din para makakain na tayong lahat."sabi ni Arsyn.

Agad na kinabahan si Arsyn dahil pagkapasok na pagkapasok niya ay tumambad sa kanya ang isang madilim na paligid.Naramdaman niya din na parang may sumusunod sa kanya. Pabalik na sana siya sa labas dahil hindi niya kinaya ang takot sa loob nang may isang lalaki ang humagip sa kanya. Tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig para hindi makalikha ng kahit anong ingay.Pilit niyang tinatanggal ang takip sa kanyang bibig para makasigaw ngunit malakas ang lalaki kaya hindi niya ito nagawa.Pumasok sila sa isang kwarto na punong puno ng kandila.Tinanggal ng lalaki ang takip at tinignan naman siya ni Arsyn. Napangiti si Arsyn dahil ang lalaki pala na iyon ay si Philip, ang kanyang minamahal. Agad naman niyang naalala ang ginawa ni Philip kaya pinalo siya ni Arsyn ng pinalo. "Kinabahan ako doon.Bwisit ka. Argghhh, I hate you," sabi ni Arsyn saka tumalikod." Sorry na babe. Happy monthsarry. Nagustuhan mo ba surpresa ko pfft."pigil na tawang sabi ni Philip." Natatawa ka pa diyan ah! Bwisit ka!Tinakot mo pa ko!"nanggagalaiting sabi ni Arsyn. " Haha halata nga sa mukha mo kanina pfft. Dapat pala pinicturan ko," nangiinis na sabi ni Philip. "Che, ibreak kita diyan eh. Tara na nga kain na tayo." Aya ni Arsyn. "Wala man lang bang 'Happy Monthsarry Babe ' o kaya 'I Love You Babe diyan? " tanong ni Philip. " Wala. Manigas ka!"sigaw ni Arsyn pabalik.

Getting EvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon