"Sa Gabing Madilim"

7.9K 172 18
                                    

Sa gabing madilim...........

Mga mata'y waring nakatitig......

May ibig iparating.....

May ibig ipahiwatig........

May ibig ipahiwatig

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


              Katatapos palang ng hayskul ni MJ. Ibigin man niyang makapag-aral para sa kolehiyo pero

hindi talaga maari. Hindi sapat ang pera ng kanyang mga magulang upang matustusan siya sa

kanyang pag-aaral. Siya ang panganay na babae sa kanilang anim na magkakapatid kaya kailangan

niyang gumawa ng paraan  upang maipagpatuloy man lang ang kanyang magandang nasimulan sa

hayskul. Isang araw, binisita siya ng kanyang mayamang tiyahin na hanapan umano siya ng

magandang unibersidad upang doon na mag-aaral. Sobrang saya ang nararamdaman ng dalaga

dahil sa wakas ay unti-unting makakamit na niya ang kanyang mga pangarap sa buhay. Sa dalawang

linggo nilang pagsasama ng kanyang tiya para sa paghahanap ng pinakamalapit na unibersidad sa

karatig syudad, doon sila ipinapadpad sa St.Luis University. Ito na kasi ang huling naisip ng kanyang

tiyahin na pwedeng mapapasukan sapagkat ang ibang unibersyo  ay tapos na sa kanilang entrance

exam. Kabisado na ng kanyang tiya ang nasabing paaralan dahil isa ito sa mga alumni dito. At kaya

naman ay inihanda na nila ang mga  papeles na kakailanganin sa nasabing paaralan.


                                             ********************************************


                 Dalawang araw bago magsimula ang pasukan ay naghanap muli sila ng kanyang tiyahin ng

  matutuluyang boardinghouse at nakahanap naman sila agad. Doon tumuloy si MJ sa

boardinghouse na hindi naman gaano kalayo sa kanyang papasukan at hindi naman gaano kamahal

para sa budget. Tamang-tama din ang nasabing boardinghouse sapagkat malawak ang nasasakupan

nito. Hindi masyadong mainit sapagkat malayo-layo rin ang angat ng bubong. Tama lang din ang

espasyo sa beranda papuntang sala at maging sa kusina. Yun nga lang, pinaghalo ang lalaki at babae

sa iisang bahay. Pero kahit na ay ayos na ito para kay MJ, may sariling  silid  naman ang mga lalaki

Mga Kababalaghan sa Boardinghouse ni Nanay ( kilabot uno ) Book 1 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon