Ang Misteryong Nakabaon sa Lupa

3K 97 12
                                    

Kanina pa kasi siya pinagtatawanan ni Ace na kesyo daw nakatitig sa halaman na 

nakatulala. Hindi nalang umimik si MJ, at bumalik na silang muli sa boardinghouse.

 Pero iba talaga ang nararamdaman ni MJ sa estrangherang iyon. Hindi nalang niya sinabi 

sa kanyang kaibigan kung ano ang kanyang nakita baka kasi ay pagtatawanan naman siya 

nito.

***********************************************************************************************

Magtanghali na. Hindi pa rin mapakali si MJ sa nakita niya kahapon. Pabalik-balik lamang

 siya sa paglalakad. Naisabunot na lamang niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok at 

napagdesisyunan niyang bumalik ulit doon sa hardin ng mansyon. Lumingon-lingon

 muna siya baka kasi may makakita sa kanya, baka mapagkamalan pa siyang may

 balak na mag-akyat bahay. Naglakad na siya papunta sa lugar kung saan nakaupo yung 

babaeng nakita niya. Pagkakita niya sa pwesto, nahukay na ang lupa ng kaunti 

na kanya namang ipinagtataka. Umupo siya at kumuha ng kapirasong lupa.

 Ano itong naamoy niya? Nakakasulasok ang baho. Hindi naman niya ito naamoy 

kahapon ah. Sandali lang ay binitiwan na niya ito. May nag-uudyok sa kanyang isipan

 na hukayin pa ang lupa. Umalis si MJ saglit at maya-maya lamang ay nakabalik na ito 

na may dalang pala. Hinukay niya ng hinukay ang lupa. Malapit ng dumilim at medyo 

malaki na rin ang nagawa niyang hukay. Buti nalang at hindi siya hinahanap ng

 kanyang mga kaibigan. Malapit na sana siyang sumuko sa paghuhukay dahil 

wala parin siyang nakikita kung meron nga namang dapat niyang makita. 

"Panghuli na talaga to",ang nasabi na lamang niya sa kanyang sarili. 

Pagpadyak niya sa pala bigla namang ...

may natamaan itong matigas na bagay. Agad-agad naman niya itong hinukay pa at

 tumambad nga naman sa kanyang mga mata ang bagay na hindi niya inaasahang makita.

 Isang kalansay ang kanyang nakita. Hindi alam ni MJ kung ano ang kanyang dapat 

na gagawin. Natatakot siya na kinakabahan. Halo-halong emosyon ang kanyang

 nararamdaman. Ngayon pa nga naman siya nakakita ng ganito sa tanang buhay niya.

 Buti nga at hindi siya nahimatay. Piagpawisan siya ng malalamig na butil.

 Hindi pa rin siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. 

 "ITO KAYA ANG SINASABI NILANG NAGMUMULTO TUWING GABI?"

 "ITO KAYA ANG SINASABI NILANG NAGMUMULTO TUWING GABI?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Mga Kababalaghan sa Boardinghouse ni Nanay ( kilabot uno ) Book 1 CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon