8.14.15 & 10.6.15 dalawang beses ko kasi inupdate to eh nung August tyaka ngaun October.
Helloooo! Namiss ko na mag wattpad :)
So yun ngang Update on Gelo: Aniversary nila nung gf nya nung March pa. Pag nakikita ko sila deadma nalang parang wala lang hangin lang ganun... Yung parang ka-batch mate.
Pero bihira ko na sila makitang magkasama. Minsan nakikita ko lang sa canteen yung girlfriend nya mag isa bumibili o kaya kasama yung kaibigan.
Si Gelo naman hindi ko masyado nakikita. Minsan nakikita ko lang sila magkasama sa pila pag uwian na. Sila parin naman kasi yung magkasama parin daw sila sa picture nila sa Fb.
"Daw" kasi blinock ko na sila sa fb ko para di ko na lagi tinitignan yung fb nila at umaasang break na sila.
Siguro yun din yung nakatulong para tuluyan ko na syang makalimutan.Sa ngayon meron akong crush. Varsity player sya ^_^ hihihi!
Pero actually di lang sya nag iisa na crush ko eh...
5 sila -_- ✌ hehe sorry na! Masaya naman sa feeling... XD
Pero syempre kung yung dating ULTIMATE crush ko ay si Gelo, well, hindi na ngaun noh!
Si Mr. Varsity player na. Codename: Heidi or ET hahahaBale yung mga crush ko nga pala ay si (codename lang ha):
Doble-kara > kasi gumanap sya ng ganun nung buwan ng wika hihi ang cute nya nga eh! Matalino, nasa Star section, magaling mag gitara, matangkad.. Hay.... ❤
Mr. Gentleman > kasi nung siksikan na sa elevator ayoko na sumakay, kaya bumaba nalang sya tapos sabi nya "dito ka nalang ;)" naghagdan nalang sya kaso ayoko na talaga nakakahiya naman noh! Na may nagparaya pa para sayo. Buti pa sya nagparaya.... Tapos yun tumakbo na sya sa taas. Nagmamadali nga eh, late na ata. Kawawa naman :(
Si Kuyang Mabango > actually gwapo sya, cute kaso ang gusto ko lang talaga sa kanya ay yung amoy nya haha.
Mahilig kasi kami ng mga kaibigan ko magbansag ng mga codename eh. Pati nga yung guard meron din eh. Haha
Basta yun na yun tinatamad na ko... Pero syempre marami pa yan! Ako nga lang talaga ang nakakaalam kasi ayaw ko ipaalam sa mga kaibigan ko eh hahaha sakin nalang yun! Sa tingin ko ang crush ko sa school ay nasa mga.... 15 lang naman? Iba pa dito sa lugar namin. Hahaha landi noh?! De jk.
Yun lang :))) byeeeee!
BINABASA MO ANG
Ang EX Crush ko
Romance[COMPLETE] Nagkaroon ako ng crush for 8 years. Sya rin ang first love ko. Tagal kong umaasa sa kanya! Hanggan ngayon. Pero ngaun may GF na sya.... nasasaktan ako :'( Pinipilit ko na syang kalimutan, dahil masasaktan lng ako. Pero PAANO?? Read to kno...