Pasko nga ba talaga to? Pasko ba ito? Tila nababalot ng kasakitan ang buong pagkatao ko.
Bakit nga ba ako nagpaggapos sa isang tao na alam ko na hindi ito ang nagpapasaya sa akin? Mahal niya ba ako o sadyang libog lang ang kelangan niya sa akin?
Isang malamig na pasko talaga ang bumungaw sa akin. Malamig na relasyon ang natatamasa ko ngayon kasama ang aking boyfriend na si James. Sa simula ay naging maganda naman ang takbo ng aming relasyon ngunit sa kalaunan ay naging masamang panaginip na ito.
Nakilala ko si James sa Facebook noong Nobyembre. Namangha ako sa kanya dahil magaling siya magsalita ng mga banyagang wika. Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya sa isang prestihiyosong unibersidad dito sa Mindanao. Isa sa mga dagdag puntos sa akin ay isa siyang Magna Cum Laude sa paaralang pinag-aralan at kasulukuyang tinatrabahuan ngayon.
Maputi, singkit ang mata, at nasa 5"3' ang height niya. Matalino nga talaga si James at namamangha ako sa galing niya bilang isang guro. Parang isang magandang ehemplo para sa isang mag-aaral.
Masaya kaming dalawa. May mga bagay na sadyang parehas kaming dalawa. Mga bagay na sadyang komokonekta sa pagkatao ng bawat isa. Minsan nagkukulitan sa daan at kung minsan ay nakakahawak kamay sa daan. Iyon bang wala kang problema sa buhay kapag kasama mo siya.
Pero ayon sa mga paniniwala na ang isang taong magaling sa klase ay bobo sa pagmamahal at ang bobo naman sa klase ay sila ang masarap kung magmahal. At doon ay napatunayan ko iyon.
Dumaan ako sa pasakit sa relasyon namin ni James. May oras na hindi niya ako iniintindi at nasasaktan ako sa mga salita niya dahil hindi ako pinalaki ng aking mga magulang na pinagsasalitaan ng mga mga masasakit na salita. May oras na umiiyak ako ngunit wala lang iyon sa kanya. Mga oras na dapat ko raw siyang intindihin ngunit ni kailanman ay hindi niya ginawa sa akin.
Sa kabila doon ay nagiging sweet naman siya pero hindi ako nadadala lamang sa pagkain na dala niya kasi nagtatampo talaga ako sa kaniya.
Hindi nagtagal ay nag-iba na ang panlasa ko at nakipaghiwalay na sa kanya.
Nabrokenhearted na ulit ako sa pangatlo na pagkakataon, pangtatlo at huling pagkakataon. Nagsimula akong nanghina at tinanong ang sarili kung saan ako nagkamali. Nagsimulang tumamlay ang buhay ko. Nagsimula na naman ulit ang kinatatakutan ko, ang maiwan sa isang sulok na walang karamay sa agos ng buhay. Minsan ang pamilya na sana ang tutulong sa akin ngunit ni minsan hindi ko masabi ang mga pangyayari sa buhay dahil sa kung hindi nila kayang tanggapin ang mga pangyayari at estado ng buhay ko. Pamilya na sana ang pupuntahan ko ngunit ako ay natatakot baka ako ay ipagtabuyan at ipamukha sa akin na salot ako. Sadyang ganyan ang buhay, HINDI PANTAY-PANTAY. Pero ako ay naniniwala na kung may nawala , at sana may dadating.
"Saan ka ba? Inaantay na kita? Halika kana sa aking tabi at pagsaluhan ang tamis ng pag-ibig. Saan ka na ba?" mga salitang laging umiikot sa isipan ko
Dumaan ang mga araw at sadyang kay lumbay ng aking buhay. Tingnan ko kaya ang facebook ko.
Scroll . . . . .
Scroll . . . . .
Scroll . . . . .
May nagmessage, sino kaya ito? Eh, nagpasalamat lang naman pala itong mokong na ito. Pero pamilyar ata ito ah. Tiningnan ko profile niya at dali-dali akong nagfloodlikes sa kanya. At nagpasalamat uli siya sa akin.
Tipikal naman ito sa akin na magfloodlikes ako. Like lang ng like, walang katapusang FAKE LIKES! Bwahahahahahaha
Pagkatapos ng ilang araw ay napagpasyahan ng aming pamilya na doon magpapasko sa aming lolo at lola sa siyudad. Ako ay nagagayak dahil ang sapa at batis ay muli ko na ring masisisid. Sadyang ang saya ko lang talaga noong oras na iyon.
Nagsimula na ang aming byahi mg ika-23 pa ng Disyembre papunta sa bahay ng aking lola. Nag-open ako ng Facebook at may pamilyar na mukha na nagbigay mensahe sa akin.
Scroll . . . . .
Scroll . . . . .
Scroll . . . . .
At sa tagal-tagal ko rin na nag-antay . . .
Mabait nga siguro ang tadhana. Sa matagal-tagal na panahon kung inantay ay dumating rin!
Si Mr. C . . . .

BINABASA MO ANG
Mahal Kita Pero
RomanceAng pag-ibig ay maaring magsimula sa anong oras, lugar, panahon, estado ng buhay at KASARIAN. Love has no limitations. Love takes no boundaries. Love conquers all.