Mystique

21 3 0
                                    

Naglalakad lang ako sa isang madalim na lugar. Walang bahay at walang kahit isang tao akong nakikita. Pero sa halip na matakot, lalo akong ginanahan. Ito kasi ang gusto kong bagay, yung walang tao kundi ako lang. Yung madilim at malamig. Yung wala kang ibang makikita kundi magagandang puno at hayop sa paligid.

Nag lakad-lakad pa ako nung may nakita akong puno. Hindi katulad ng mga nakikita ko sa totoong mundo, kakaiba ang punong ito. Sobrang laki nya at kulay violet ang mga dahon nito, kulay green naman ang katawan nito di tulad ng puno sa totoong mundo. Sa taas ng puno may isa pang puno, parang walang katapusan. Gusto ko sanang umaakyat, next time nalang kapag bumalik na ulit ako dito. Napalingon ako sa pinang gagalingan ng kakaibang tunog, parang huni ng isang malaking ibon. Pero hindi lang ito basta huni, parang musika na ito sa aking pandinig. Sobrang sarap pakinggan walang kahit anong musika sa totoong mundo ang makakapantay dito. Sinundan ko lang ito ng sinundan, palakas ng palakas ang tunog. Hanggang sa nagulat ako nung isang mataas na bangin ang bumungad sakin. Napakataas na hindi mo na makikita ang baba at dulo ng bangin. Hindi mo malaman kung tubig ba o lupa ang nasa baba nito.

Sinubukan kong ilagay ang isa sa mga paa ko sa bangin. Bigla nalang humampas ang malakas na hangin. Naririnig ko parin ang tunog na gustong gusto kong mahanap kung saan nga ba nagmumula.

Napatingin na naman ako sa bangin na nasa ilalim ko. Hindi ko alam kung bakit parang may nag uudyok sa akin na tumalon. Dahil hindi katulad sa totoong mundo. Lahat ng bagay dito ay kakaiba. Huminga ako ng malalim, naghahanda na para sa aking gagawin. Tatalon ako. Ano man ang mangyari. Patay man o buhay!

Walang bilang bilang ay tumalon ako sa bangin. Wala akong naramdaman na kahit ano hindi katulad ng iniisip ko nasa tubig at lupa ako babagsak. Ngunit sa halip. Tumambad ako sa isang malawak na ulap. Puro ulap lang talaga ang makikita mo. Merong konting usok sa paligid, di katulad ng ulap sa totoong mundo parang ulap sa isang anime series ang nakita ko dito. Malambot at nahahawakan. Kumuha ako ng konti, para syang snow pero hindi malamig, malambot sya na parang bulak.

Tumayo na ako, para hanapin ang pakay ko. Nag lakad lakad lang ako pero wala na akong ibang makita kundi ulap lang. Naupo nalang ako dahil wala namang mangyayari kung mag lalakad pa ako.

Naririnig ko pa rin ang magandang tunog na nag mumula kung saan, nahiga ako at pinakinggan lang ito. Sarap sa pakiramdam. Unti-unti ko na talagang nagugustuhan ang lugar na ito. Sobrang magical, no words can ever describe how amazing this place is. Para syang paraiso.

Dumakot lang ako ng ulap at ibinato ito kung saan. Inulit ko lang ito ng unulit, pero napansin ko na parang, lupa rin ito na nabubungkal. Tinitigan ko lang ito hanggang sa narealize ko na..

Tama! Kung ito ang lupa sa lugar na ito, marahil nasa ilalim nito ang labasan? Nag hukay lang ako ng nag hukay hanggang sa lumalim ng lumalim ang kina lalagyan ko. Hindi naman na din ako nahirapan sa pag huhukay kasi nga ulap naman ito at malabot. Parang nag huhukay lang ako sa bulak pero sobrang lalim na bulak nga lang.

Ilang beses din akong nag hukay dun at nakakita din ako ng butas. Sinilip ko ito pero wala akong makita kundi madalim. Sinubukan kong palakihin ang butas hanggang sa nag kasya ako at naka labas ako sa maulap na lugar na yun.

Ngayon nandito naman ako sa isang madalim na lugar. Sinubukan kong humanap ng liwanag hanggang sa nakakita ako ng isang maliit na liwanag na may kulay dilaw na ilaw. Sinubukan ko itong sundan hanggang sa yung maliit na liwanag lumalaki ng lumalaki, natatanaw ko na mula dito ang labas ng ilaw na nakikita ko. Mukhang alam ko na kung saan ako ng galing mukhang sa isang kweba ako nag mula.

Lumabas na ako at namangha ako sa nakita ko. Isang lugar kung saan puro bulaklak at fairy ang nakikita ko. Wow! Di ko alam na may nag eexist pala talaga na fairy! Ang cute nila. Katulad ng karaniwang fairy maliit din sila at may ibat-ibang kulay. Pero mas namangha ako nung nakita ko ang isang napaka laking ibon sa likod ko. Yung pinanggalingan ko kanina ay hindi naman pala kweba kundi isang higanteng bulaklak kung saan sa taas nito makikita ang ibon na sinasabi ko. Mukha syang ang ibong adarna na napanood ko sa isang drama nung bata ako. Sobrang ganda! Humuhuni pa rin ito ng napaka ganda, kasabay nito ang pag sayaw ng mga fairy na tila sinasabayan ang magandang tunog na nag mumula sa higanteng ibon.

Manghang mangha naman akong nakatingin sa mga ito nung lumabas ang isang pamilyar na liwanag. Yung daan kung paano ako naka punta sa lugar na ito. Mukhang nag papahiwatig na kelangan ko ng bumalik or else hindi na ako makakabalik. Pumasok ako dito at lumabas ako sa isang puno na matatagpuan sa school namin. Nag lakad nalang ako pabalik ng classroom dahil tapos na ang lunch break.

Naupo lang ako sa pinaka sulok ng classroom kung saan ako naka upo. Wala akong magagawa kasi isang nerd, loser, pangit at weirdo ang tingin nila sakin. Wala akong kaibigan, lalong walang gustong makipag kaibigan sakin. Bukod sa tahimik akong tao. Isa din ako sa kinatatakutan. Akala kasi ng mga walang hiya ay isa akong mangkukulam which is stupid. Hindi ko alam kung saan ito nag mumula pero, wala naman akong paki alam sa kanila. Mas gusto ko din namang mag isa nalang. Dumating na ang isang prof. at nag simula ng mag turo. Natulog lang ako dahil hindi man sa pag mamayabang ay alam ko na ang tinuturo nya. Isang simpleng science lang naman na halos nabasa ko na din sa libro na binigay nya.

Nagising lang ako nung wala na pala akong katabi. Wala na din ang mga tao at mukhang madilim na. Ilang oras ba akong naka tulog? Bale tatlong subject din ang tinulugan ko. Wala man lang gumising sakin. Badtrip! Kahit janitor hindi man lang ako ginising. Umuwi na lang ako sa bahay.

Nag sulat lang ako sa journal ko ng tungkol sa mga nakita ko kanina, kung gaano kaganda at magical ng mga bagay bagay. Pag katapos nun nanood lang ako ng ilang horror films. Ito kasi talaga ang mga gusto kong panoodin. Pag katapos nun nakatulog na naman ako ng hindi ko namamalayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mystical PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon