CHAPTER 1

30 2 0
                                    

First day? Tss.. Who care's..

Wala naman akong ine-expect as a High School student. Okay na ako matapos ko ang year na ito nang walang sagabal. At yung mga darating na years pa as a student in this campus. Well,sana nga.

Maaga akong gumigising since mabagal talaga akong kumilos. Ewan ko ba basta't alam kong may pasok na. Nawawalan ako nang gana kumilos,mas maganda pang humiga buong tanghali. Syempre joke lang yun. Edi ako kawawa pag kuhaan na ng card.

Nag handa na ako at naka pag bihis na rin. Nag side-car ako at maagang umalis ng bahay. Para hindi ma-late at mapagalitan nang teacher. Hays.. Nakaka-kaba tuwing maiisip mo na first day at baka masungit pa ang adviser teacher namin at maging out of the room naman ako. Mahiyain kasi ako pag kinakausap lang ako tsaka ako sumasagot. Pero hindi ako nag tatanung nang kung anu-ano. I don't talk to strangers eh!..

As i was expecting tama lang naman yung dating ko. Natagalan lang ako sa pag kuha ng section ko kasi maraming naka pila at ang hirap mag hanap kung saan ba ako pupunta. Jeez.. Ang haba pa ng pila. Oh, well paki ko.

Ma,pano ko matatandaan kung saan room ko?! Tanung ko ng malungkot.

Ayun oh! Pag turo niya.

Tinignan ko naman yung tinuturo niya sa pader.

Nakita ko naman yung speaker na red na nakalagay sa taas ng pader ng isa sa classroom na madadaanan namin. Na pangiti ako pero, may halong pag tataka kasi nalagpasan na namin yung room ma yun.

Akala ko nga ayun na,pero kasi hindi ko napansin na nalagpasan na namin pati yung isang pinto. Since nag-iisa lang naman talaga yun!.

Hindi ko makita yung room ko nakalimutan ko na kasi kung saan malalaman kung anung number nung room. May ganun kasi dito para malaman kung anung number ng room at name ng bawat building.

Habang si Mama nag hahanap ako naman kinuha ko yung number ng room ko sa kamay niya. RB 204 yung room ko haish... Hirap mag hanap, malabo kasi medyo mata ko at sa pinto ako tumitingin kasi section hinahanap ko. At hindi ko pa suot yung glasses ko para sa mata ko.

Pumasok kana. Sabi ni Mama.

Duon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng room.

Dug.. Dug.. Dug .. Dub.

Pumasok ako at may narinig akong sabi nung classmate ko.

Ang ganda ng bag niya. Sabi ng lalaki.

Tsk.. Pati ba naman yun kailangan thingking out loud,halos rinig na sa unahan kasi malapit na ako sa unahan kasi maliit lang yung room. Jeez.. Cute nga eh.

Dumaretso na ako sa teacher ko,then napansin ko yung face niya (Shock) mukhang masungit siya ah. Kilay pa lang alam mo na pero maganda si Mam.

Iniabot ko yung paper kung saan nakalagay ang name at number ng building and grade & section ko.

Lim.. Hmmm.. Bakit wala name mo dito. Pag tatanung ng teacher namin.

Tsk... Mam, tamad lang po kayong mag hanap o kaya naman. Wala talaga ako dyan! Dahil extra lang ako at ipinunta lang dito. Sabi ng teacher kanina samin sa baba. Jeez... Isip din po kasi Mam. Yan yung iniisip ko nang mapatingin na si Mam sakin dahil hindi ako sumagot sa tanung niya.

Ah.. Na pa anu ko na po kasi yan kanina.

Sh*t hindi ako makapag salita. (Notice ang sungit niya mag salita bago. First day palang diba).

Mabuti na lang at nasa bintana pa si Mama at siya yung kinausap.

Mam, wala po sa list ko yung pangalan ng anak niyo dito. -Mam

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In My Dreams (True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon