Signs!

15 1 0
                                    

...nagsimula sa SIGNS natapos sa isang malaking SIGNs ...

Tunghayan ang buhay pag ibig ni Amabelle Texon .

Kayo ba mahilig maniwala sa SIGNS ?
________________________________________

Amabelle's Pov

Classroom~

"Kyahhh,grabe ang ganda ng story na to ,oh my gosh ,omy gudness many times,like ko na talaga si Ms Author " grabe talaga tung kaibigan ko ,kikiligin na nga lang manghahampas pa.Yung tipong nakikinig na nga sa mga kwento niya mananakit pa.Wala pa kaseng teacher kaya may freedom kami ,free-ng  free .Nakatabi kase si Misha sa akin nagbabasa ng book ako naman nag sa-sound trip nang biglang kunin sa akin ang headset ko para lang pag kwentuhan ng kakiligan niya..

"Oh bakit nanaman,ano nang nangyari ?"walang ganang tanung ko

"Eh pano ba naman ,nangyari yung pangatlong sign niya"grabe kilig na kilig talaga siya ,ano naman kaya ang nakakakilig sa pangatlong sign ,baliw baliw talaga tong kaibigan ko,ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko to,eh grabe ang sapak ng ulo nito.

"So nakakakilig na yon ganon?"

"Ay bitter si manang,syempre dalawa  na lang na sign kumpleto na yung 5 signs na ginawa niya"

"5 signs na para saan?"

"Yung bida kase dito gumawa ng 5 signs na pagnangyari  sa isang tao ,ibig sabihin  destiny sila,grabe nakakakilig talaga dalwa na lang silang sila na.excited na ko sa sunod na mangyayari " grabe kilig na siya nun eh fictional lang naman lahat dun eh.

"So kilig ka na niyan"

"Grabe ang ampalaya mo talaga nuh?"

"Eh sa hindi naman talaga totoo yang bagay na tulad niyan eh ,hindi yan nag e-exist sa mundo!"

"Eh?alam mo one time testing mo naman na magkagusto sa iba...ahhh...alam ko na gumawa ka nalang ng 3 signs tapos pagnanyari yun,ibig sabihin siya na si Mr.Soulmate mo.oh diba ang genius genius ng kaibigan mo?grabe ang kapal talaga ng sapak nito.

"Eh?Mr.Soulmate ka diyan,mag aral ka na lang at baka may surprise  test nanaman tayo noh,sa halip na mag basa ka ng librong yan at magpaka hopeless romantic mas magandang yung test natin sa algebra ang pag aralan mo"

"Tse.opo..pero pag-isipan mo  ha  " with matching taas kilay pa siya.baliw.

"❓"

"Yung signs ha!"

Di ko na siya pinatulan dahil bigla narin naman dumating ang teacher namin at nag bigay ng surprise test.

Signs!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon