PBCWMH 86

990 14 5
                                    

Chapter 86:              Garden

ERICKA’s POV

 

 

Habang naglalakad papunta sa building namin, pakiramdam ko lahat ng estudyante nakatingin sa akin. Nang lumingon ako, wala naman.

 

Baka naman pakiramdam ko lang yon?

 

Ganito ba ako kaapektado sa muli kong pagpasok? Halos tatlong linggo din akong nawala. Alam kung maraming magtatanong sa pagbabalik ko kaya naman kanina pa lang  sa sasakyan nag-isip na ako ng alibi.

 

“Ericka ikaw na ba yan? Uy kumusta? Tagal mong nawala ah.”

 

Tiningnan ko ang dalawang babaeng nakasalubong ko sa hallway. Mga kaklase ko pala. Kaya pala nakangiti sila sa akin kanina pa.

 

“Eto okey lang.”

 

“Kumusta bakasyon?”

 

Halos mapanganga ako sa tanong ni Daisy. Anong bakasyon?

 

“Dhey malapit ng magbell. Tara na.” Aya ni Racquel.

 

Sumulyap si Daisy sa kanyang relong pambisig saka sumunod kay Racquel.

 

“Una na kami Ericka, dadaan pa kase kaming library.”

 

“Si—sige.”

 

Pagdating sa classroom lalo lang akong naguluhan, dahil hindi lang si Daisy ang nagtanong sa akin kung kumusta na ang bakasyon ko. Halos lahat ng makasalubong ko iyon din ang tanong.

 

Ang alam ba nila nagbakasyon ako? Bakasyon sa kalagitnaan ng klase?

 

Isang pamilyar na pigura ang natanawan kung pumasok ng classroom. Halos pigilan ko ang aking paghinga.

 

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.

 

Simula ng umalis ako sa bahay nya, ngayon ko na lang ulet sya nakita. At aaminin ko, namiss ko sya.

 

Nakatulong sa akin ang pananatili sa probinsya. Kahit paano, nabawasan ang galit ko sa kanya. Sobra lang akong nasaktan sa mga nalaman ko.

 

Pero ngayon, okey na ako. Hindi ko na gaanong naiisip ang bagay na iyon. Tama naman sila. Walang kasalanan si Alex. Kaya nahihiya  ako sa kanya ngayon. Hindi ko alam kung pano ko sya kakausapin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Please be Careful with my Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon