"Ano naman ang masasabi mo Julie dun sa mga chismis na hiwalay ka na daw sa non-showbiz boyfriend mo?", tanong nung isang reporter.
Tinignan ko sya. Inobserbaham ko kung may magbabago sa mga mata nya. Dun naman ako sanay. Sa basahin ung nararamdaman nya sa mga mata nya. Kasi hindi nakakapagsinungaling sakin ang mga mata nya. Kaso walang laman... Blanko.
"May non-showbiz boyfriend ba ko?", tsaka sya tumawa.
Ung tawa na parang walang pakialam sa iisipin ng ibang tao. Ung tawang walang pigil. Ung tawa nya dati pag ako ung kasama nya. Ung tawa nya na un... Ung tawa nyang na miss ko.
Focus.
Kailangan magfocus.
Focus.
Story con.
Movie.
Story con.
Movie.
Story con.
Julie.
Eyes.
Lips.
Hair.
Smile.
Haaaay. Julie.
Julie.
"Julie."
Nagulat ako ng bigla silang nagtilian na parang kinikilig. Napatingin ako kay Julie nang may pagtataka ngunit nakita ko sya na halos blanko ang tingin sakin.
"Why?"
I feel so dumb. Well I am dumb. Pero I am being dumb in front of these people.
"They asked you kung sino ung pinaka-memorable mo na naging love team and you answered my name so...", then she pouted.
She does that everytime she doesn't want to end her sentence but doesn't know how to continue.
Wait... I did what? Oh well... It's true.
After I transferred to ABS-CBN, I had the chance to work with other people. Other love team. But then she's always the one I couldn't forget. I dunno why. Maybe because she's my favorite almost?
"Kaya ba ikaw daw ang nagrequest na si Julie ang maging partner mo sa movie na to?", tanong ng parehong reporter ng humupa na ang kilig at tilian nila.
"Wait... How did you ever get that kind of information?", napakamot na lang ako sa batok ko.
I'm guilty. It's true. When they asked me sino ang gusto ko makatrabaho for this movie sya agad ang naisip ko. And I don't know why. Hindi na kami naguusap after namin maghiwalay as love team. After that day...
After that Angel's Cry production number on Party Pilipinas...
Hindi na kami ulit nag-usap. Just like that. I don't know if it's because of me or her. We just... Stopped.
"Uuy guilty. Di makasagot ng derecho...", kantyaw nila sakin.
"Hahaha. Yes. I requested the producers to consider Julie to be my leading lady in the movie."
"Why?", asked the pretty lady beside me. And I was... Surprised?
Un ang unang salita na sinabi nya sakin mula pa kanina. I was late for the story conference kaya nagsstart na ng dumating ako. We haven't got the chance to talk in private yet.
And now she's asking me this... Of all people... Sya ang nagtanong sakin kung bakit? Isang tanong na kahit sarili ko di ko magawang sagutin.
I looked into her eyes. Para sana magkaclue man lang ako kung ano ang gusto nyang marinig. Ung professional o ung personal reason... But again... I failed. Her eyes are blank.
I cleared my throat before answering.
"Why not? One of the prettiest face in the industry. Talented. Professional. Hot. Hahaha. And I missed working with you...", I answered truthfully.
Her face remained blank.
Pinagpapawisan ako at alam ko na hindi un dahil sa mga ilaw na nakatapat samin. I'm worried. So worried on how she'll react to what I just said.
Nag-iwas sya ng tingin at uminom ng tubig... Hindi malamig. Just like before. Just like always. She smiled at the press people. Pero tanga lang ang di makakapansin ng tensyon sa pagitan naming dalawa. Or is it just me?
Nagpatuloy ang story conference and I was glad that most questions were directed to me. Dahil baka kung hindi. Lumutang na naman ang isip ko sa kung saan.
"Last question for today na po...", announcement nung organizer.
"Question for the both of you, bilang Way Back Into Love ang title ng movie na ito, posible ba na mainlove ulit kayo sa taong dati nyo ng minahal?"
"You first.", mungkahi ko agad. I want to know what her answer will be. And I'm nervous as fck.
"Hmmm, ako? Pano ba? Ang hirap naman ng tanong na yan. Hahaha. Siguro depende. Depende kung gaano mo sya minahal, kung pano kayo natapos, at kung paano kayo magsisimula ulit.", seryoso sya habang sinasabi nya un. At halos lumundag ang puso ko ng lumingon sya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"Huy ikaw na.", bulong nya.
"Ah. Oo. Ako... Ano... Depende din. Siguro kung mapapamahal ka ulit sa kanya ibig sabihin nun hindi ka naman talaga tumigil na mahalin sya. Kumbaga, na-set aside lang ung feelings. Na sayo na kung kelan mo ulit ieentertain."
Napack up na ung story con at nagkayayaan muna magkainan ung mga crew at cast para daw di na masyado awkward pag start na magshoot. At bilang lead stars kami ni Julie, magkatabi din kami kumain
"Julie... You want shrimp?", tanong ni Krystal sa kanya.
"Sure."
Naglagay sya sa pinggan nya. Hahawakan nya dapat ung hipon para balatan at nagulat sya ng kinuha ko ito. Sa totoo lang, nagulat din ako bakit ko kinuha.
"Ako na...", sabi ko saka ko binalatan ung mga hipon na nasa pinggan nya.
Parang dati...
Nakatingin lang sya sakin habang binabalatan ko ung hipon. At nakatingin lang din samin ung ibang tao sa lamesa. Napaangat ako ng tingin at nahiya ng nakita ang reaksyon nilang lahat.
"Uhm... Kain na."
Pagkatapos kumain ay nag-alisan na lahat. Nagpaalam na pati si Krystal. Kami na lang ni Julie ang naiwan.
"Julie... Susunduin ka ng parents mo?", tanong ko sa kanya ng napansin na palinga-linga pa din sya sa labas.
"Ah hindi. Busy eh? May event sa school si Jac."
"May hinihintay ka ba? Hatid na kita."
"Wag na. May susundo naman sakin... Ayan na pala eh.", turo nya sa paparating na pulang pick-up.
Bumaba ang driver at humalik sa pisngi ni Julie. Para kong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Busog ako pero parang nanlamig ang tiyan ko.
"Oh. Clark this is Elmo. Elmo, si Clark.", pakilala nya samin.
Naglahad ng kamay ang lalaki at tinanggap ko ito.
"We have to go. Bye Elmo. Ingat."
Sumakay na sila ni Clark sa pick-up at naiwan ako sa parking lot. Napasandal na lang ako sa sasakyan ko. Di ko alam kung yuyuko o titingala ako.
So I guess un ung non-showbiz boyfriend na tinatanong sa kanya kanina. Ung hindi nya masagot ng derecho. Kasi mukang sila pa. May boyfriend na sya. May iba na sya. And I'm still here. Stuck. Puro pa din what if. What if di ako pumayag na paghiwalayin ung love team... What if I talked to her after that production number... What if I pursued her kahit hindi kami love team... What if I tried harder...
Pero wala eh. Wala na.
May iba na.
Siguro nga hanggang dun lang kami...
Hanggang dun lang ung storya namin...
Baka nga yun na un...
Sayang...
We were almost there...
Almost...