Yung moment na makita mo ulet yung high school solid crush mo. Pero dahil hindi kayo magkakilala hindi kayo nagpansinan pero habang dumadaan ka sa harapan niya nakikita nang peripheral sight mo na nakatingin siya sayo. *kilig* pero wala kang magagawa kungdi dumeretso sa paglalakad mo. Nung nalagpasan muna siya gumuho na yung pangarap mo na makausap siya kahit saglit pero ang swerte mo parin dahil tadhana na ang gumalaw pagka akyat mo nang hagdan nandun yung high school solid crush mo na inabot yung kamay. Niya para tulungan ka sa pagakyat.
Parang tumigil yung mundo mo nang hawakan niya yung kamay mo, ramdam mo yung lambot at kinis nang kamay niya. Yung ngiti niya sa labi niya. (Haaayyyy)
nung kakausapin kana niya...... bigla ka nang nagising dahil alas dose na nang hapon at ginigising kana nang nanay mo. Andun na eh! Pilit kang pumikit para madugtungan yung panaginip mo pero wala ka nang magagawa kungdi tanggapin ang katotohanan na Panaginip lang ang lahat.
Kung may continuation lang sana ang panaginip. Huhuhuhu.
