Short Story

27 0 0
                                    

Ipinatong ko ang cellphone ko sa taas ng dibdib ko at saka tumingin sa dingding ng apartment na tinutuluyan ko.

"Hay," I sighed.

Nawalan ako ng gana sa pag-pi-Facebook nang makita ko 'yong posted picture ng isang Facebook friend ko kasama 'yong boyfriend niya.

Tinitigan ko 'yong picture. Ang cute nila. Bagay na bagay sila. Nakalagay doon sa caption na Anniversary nila ngayon. Mukhang masayang-masaya at inlove na inlove pa rin sila sa isa't-isa base roon sa conversation nila na nabasa ko sa comment box.

Buti pa sila.

Samantalang ako, ito pa rin, dakilang Single Since Birth pa rin.

Maganda naman ako. Hindi sa pagmamayabang pero 'yon ang totoo, pero bakit gano'n? Hindi ako magawang magustuhan ng mga taong nagugustuhan ko.

Maraming sumubok na manligaw pero hindi ko sila gusto, ni hindi tumibok nang mabilis ang puso ko nang makita ko sila kaya ayun, walang nangyari.

Minsan iniisip ko kung ano sa pakiramdam magkaroon ng boyfriend. Yung tipong may susuway sa'yo sa tuwing mali 'yong ginagawa mo, may concern sa'yo, may nagtetext sa'yo palagi, 'yong tipong may instant bestfriend at sub-parent ka.

17 years old na 'ko pero ni holding hands hindi ko pa nararanasan. Hindi sa dine-deprive ko 'yong sarili ko na ma-experience 'yong mga ganun, pero ayaw ko rin namang gawin 'yon kasama 'yong taong 'di ko naman mahal.

As much as possible I want to do those romantic scenes in my life whole-heartedly.

"Hay. Ang drama mo Yana, para namang wala kang mga magulang na nagmamahal sa'yo." I admonished myself with a laugh.

Bumangon ako sa kama at naisipang bumili muna ng makakain sa labas.

Kaso.. shit! Gabi na pala.

Wala akong kasama pa'no 'yon?

Kasi naman eh, ang hirap pag malayo 'yong school mo sa bahay niyo. Kailangan ko pa tuloy mag-rent ng apartment at mamuhay nang mag-isa. Haha. Ako na talaga ang alone! Grabe!

Bahala na nga, maglalakad lakad na rin ako. Para naman kahit papano, sumaya ako. Iyon kasi ang nagpapasaya sa'kin, ang paglalakad nang mag-isa habang nag i-imagine ng mga bagay na gusto kong mangyari.

Like walking while talking with someone.

Haha! Oo na! Ako na talaga sabik mag ka-boyfriend. Sorry na!

Kumuha ako ng sweater sa drawer ko at sinuot 'yon, December na kasi ngayon kaya malamig na talaga. Naka cotton shorts and t-shirt lang din kasi ako.

Kinuha ko muna 'yong cellphone ko at sinalpak ang earphones ko sa tenga ko bago lumabas ng bahay.

Agad na nilipad ang buhok ko at napayakap ako sa sarili ko nang sumalubong sakin ang malamig at malakas na simoy ng hangin.

"Ang lamiiiiiiig," ginaw na sabi ko at saka nagsimula nang maglakad, nag play na rin ako ng music para mas enjoy.

Buti na lang maraming post lights dito sa'min kaya kahit gabi na hindi nakakatakot maglakad.

Wooh ang lamig talaga. Hinahangin yung buhok ko at nananayo ang balahibo ko.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang...

"Miss,"

"AY KALABAW!" May biglang tumapik sa balikat ko at sa sobrang gulat at kaba ko ay napasigaw at napatanggal ako ng earphones.

"Nagulat ba kita? Sorry ah,"

"Ay hindi, hindi mo ko nagulat," sakastikong sagot ko. "Grabe ka, sobrang pinakaba mo talaga ko. Akala ko may rapist na," nakahawak sa dibdib na sabi ko. Wooh! Feeling ko nakipag marathon ako sa sobrang hingal.

Once In A BluemoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon