Authors Note:
Hey there x)
Ginawa ko 'to dahil na-inspire ako nung isang araw. Well, to be exact-April 23, 2013.
Sana magustuhan niyo x)
~
April 23, 2013
8: 43 pm
"Bayad po."
Ang agad kong sinabi pagsakay sa jeep.
Kung nagtataka kayo kung saan ako papunta sa ganito ka-late na oras ay pangungunahan ko na kayo-hindi ako pupunta sa bar, sa inuman, o sa kung saan mang masamang lugar.
Pupunta lang naman ako sa bahay ng bestfriend kong si Xiah dahil 16th birthday niya. Hindi na dapat ako pupunta kasi nakapagcelebrate naman kami kanina sa school dahil nanlibre siya. Eh ano ba namang magagawa ko kung nagpupumilit di ba?
Kaya yun, nandito ako sa kinalalagyan ko ngayon-sa loob ng isang jeep, dulong-dulong pwesto, at nakatunghay sa anomang interesting na makita sa paligid.
At dahil rush hour -_-
Guess what?
TRAFFIC JAM.
8:50 pm
Mga higit-kumulang 10 mins. na rin ako naka-upo at naghihintay na gumalaw ang linya ng mga sasakyan.
Hay buhay! -_-
Salamat na lang at meron isang tanawing nagpaligaya sakin ng kahit konti lang x)
Isang grupo ng skateboarders.
Ka-swertehan talaga ng buhay noh?
Di na nila kelangan mag-intay sa napakahabang linyang ito, dahil ang gagawin lang nila ay sumingit sa kung saan-saan.
Pero maliban diyan, meron pang isang bagay na naka-akit sa aking paningin.
Isang lalaking skateboarder.
Makaporma parang si Daniel Padilla.
Naka-shades pa talaga!
Katawan naman parang sinulid
Pero ang height, abot hanggang langit
Akalain mong nakagawa na pala ako ng tula xD
Kanina mula pa lang sa malayo nakita ko na sila. At heto na sila papalapit ng papalapit sa jeep na aking sinasakyan.
At akalain mo ulit, tadhana nga naman talaga oh. Tila para bang nagkaroon ng spark-like connection ang mga mata namin.
Pero hindi ako sure kung sakin nga siya nakatingin kasi naka-shades nga siya -_-
Anyway, I lost my chance. Naunahan na nila ang jeep namin na pagong ang usad. Eh sila nakasingit na kung saan-saan. -_-
Mga ilang segundo pa ay narinig ko ang mga buntong-hininga ng mga kasama kong mga pasahero dahil sa wakas, umusad ng kahit KONTI ang aming jeep.
At....HIMALA!
Nakita ko ulit siya, nakatayo sa may poste, nakatingin siya sa akin. At sa pagkakataong ito sigurado na ako dahil tinanggal na niya ang shades niya.
Tumigil bigla ang buong mundo....
9:01 pm
"Hi, miss. Anong pangalan mo?"
BINABASA MO ANG
Skateboard. (Oneshot)
RandomIto'y isang kwentong nagsimula sa pagtatagpo sa jeep at nagtapos sa isang kasalan. Pero happy ending nga ba? A/N Hindi ito karaniwang kwento lang.