Sampung taon ako ng maulila. Namatay ang aking ama sa isang aksidente,kalaunan naman ay ang aking ina ng dahil lang sa sakit.
Sa pagkakatanda ko ay nag umpisa ako makakita ng mga kaluluwa ng ako ay limang taon pa lang,at kahit mismo ang kamatayan ng aking mga magulang ay nakita ko rin,kapag nariyan na ang maputing usok ay sigurado na yun.
Nag iisa lang ako at walang kapatid kung kaya't kinupkop na lang ako ng tiyahin ko na kapatid ng aking ama. Pinag aral nya ako at pinakain. Ngunit katagalan ay pinagsawaan nya rin ako. Dahil yun sa mga kakaibang ikinikilos ko,madalas pa nga ay may nakaka away sya dahil sa akin.
Dahil ito sa mga nakikita ko. Hindi ko naman mapigilan dahil kusa itong lumalabas sa bibig ko..lalo na kapag may puting usok na sa kanila.
Isang beses ngang nangyari ang sinaktan ako ng kapitbahay namin dahil sa sinabi kong mamamatay na ang kanyang anak. Ngunit di sya naniwala sa'kin.
At di nagtagal namatay nga ang kanyang anak. At iyon ang naging dahilan kung bakit iniuwi ako ng tiyahin ko sa aking lola dahil di na nya matagalan ang mga kababalaghan ko.
Iniuwi nya ako sa probinsya dahil dun daw ako talaga nababagay. Sa mundo ni lolang matalinghaga.
Si lola ay kilalang magaling na manggagamot sa kanilang lugar. Magaling si lola sa mga kaluluwa at mga problemang pang di karaniwan. At hindi ko alam na mas malalim pa pala ang aking kakayahan kesa kay lola.
Si lola ay matanda na,may malalabo ng mga mata at medyo hukot ng likuran. Ngunit sa kabila pala ng katandaang yun ay ang kakaibang katauhan pa.
Ako si Andrea.
Labingwalong taong gulang,at dito sa piling ni lola magkakaroon ng silbi ang kakayahan ko.
June_Thirteen
BINABASA MO ANG
Apo Ng Manggagamot
HorrorSimula pagka-bata ay alam nya na kung paano gamitin ang kanyang kakayahan,at dahil sa patnubay ng kanyang lola kung kaya't mas marami pa syang nalaman na maaring gawin dito. Samahan natin ang isang dalaga na tuklasin pa ang lalim ng kanyang kakaiban...