Nagwawalis ako sa halamanang gamot ni lola,napansin ko sya na panay ang silip sa likuran ng bahay namin. Hindi madali para sa mga tulad namin ang ganito,halos kada minuto ay may mang iistorbo sa pagpapahinga mo. Tulad na lang ng nangyayari kay lola,kanina ko pa sya nakikitang binubulabog ng dalawang batang kaluluwa,pinaglalaruan sya ng mga ito kung kaya't panay ang takbo nya sa likod bahay.
Gusto ko mang sawayin ay di ko ginagawa dahil wala naman sila siguradong makukulit ng ganito na ginagawa nila sa amin,maari lamang sila magkasakit kapag ito ay ginawa nila sa iba.
***
Malalim na ang gabi pero gising pa si lola,kanina ko pa sya naririnig na nagsasalita at may kausap na tila isang lalake. Di ako bumababa para silipin kung sino yun,dahil sigurado naman ako na di tao yun.Narinig ko pa na sinabi ni lola na kamusta na daw sila.
"Sila" ---
Ibig sabihin ay di lang pala isa yung kausap nya. Hay..Ang hirap talaga ng ganito,dito nga sa tabi ko kanina pa panay ang sitsit ng maliit na nilalang na ito eh,di ko lang sya pinapansin,kasi pag pinansin mo di na sila titigil. Tulad na lang ng babaeng madalas makitabi sa kama ko. Noong kinausap ko sya at sinabing ayos lang sa'kin na tumabi sya eh,gabi gabi na nasa tabi ko. Ang daming kaluluwa dito sa bahay ni lola,at di ko alam kung bakit. Pero mababait sila,di tulad ng sa Maynila...puro salbahe,sasaktan ka pa nila pag di ka nakinig sa kanila.
Tulad na lang ng kaluluwang nakita noon sa palengke,tinatapon nya lahat ng paninda nung isang tindera,tapos pinapatid nya yung mga bumibile..Sinaway ko sya pero nagalit sya..at sinabihan pa akong walang pakialam.
Minsan ay nakakainis din ang ganito,dahil minsan na rin ako sinaktan ng kaluluwang nakita ko. Isang dalaga rin na tulad ko,madalas nya ako sabunutan kapag natutulog ako. Minsan pa nga ay kinurot nya ako na maliliit sa bahagi ng aking mga binti. At nang tanungin ko sya kun bakit..ang sagot nya lang ay naiinggit sya sa'kin. Tinigilan nya rin ako ng makakita na sya ng mas kaiinggitan kaysa sa akin. Nagkasakit ang babaeng iyon at namatay,tinubuan sya ng maraming pasa sa katawan at halos napuno na ng sugat ang kanyang ulo dahil sa kakabunot ng inggeterang kaluluwa na iyon. Naawa ako sa dalaga.Pwede ko sana syang tulungan pero wala ni isang naniwala sa'kin.
***
Maya maya pa ay narinig ko na si lola na nagpapaalam sa kanyang mga bisita. Narinig ko rin ang pangalan ko na sabi ng lola na sya na daw ang bahala sa akin..
Nagkainteres akong bumaba at sumilip kung sino ang mga iyon.
Pagsilip ko nakita ko na nakaupo ang kaluluwa ng di katandaang babae't lalake sa harap ng aming lamesa.
Natuwa ako sa nakita ko,ang mga bisita pala ng aking lola ay walang iba kundi ang aking ama at ina.
June_Thirteen
BINABASA MO ANG
Apo Ng Manggagamot
HorrorSimula pagka-bata ay alam nya na kung paano gamitin ang kanyang kakayahan,at dahil sa patnubay ng kanyang lola kung kaya't mas marami pa syang nalaman na maaring gawin dito. Samahan natin ang isang dalaga na tuklasin pa ang lalim ng kanyang kakaiban...