A
"Magpunta kayo ng comfort room at ayusin nyo yang mga sarili nyo.." Seryosong sabi ni Mrs.Tan tatalikod na sana sya pero humarap ulit samin
"And the two of you Nadine and Dalton okay lang naman na magboyfriend-girlfriend kayo pero sana sa pag-aaral pa rin kayo magfocus dahil mas importante yun bukod don mga bata pa kayo marami pang mangyayari sa buhay nyo.." Pagkasabi non ni Mrs.Tan ay nagsimula na syang maglakad paalis ganon din si Thea na halatang asar na asar, Napa-irap nalang ako naiinis talaga ko dahil sa nangyari napatingin ako hanggang ngayon naka-akbay pa din sakin si Dalton kaya inis na tinabig ko yung braso nya halata namang nagulat sya sa ginawa ko pero ngumisi sya paglaon.."Yabang kaasar !!"
"Yan ba ang nice way mo ng pagpapasalamat?" Nakangisi pa din sya "well your very welcome"
Sinamaan ko sya ng tingin bago ako magsalita
"At bakit naman ako magpapasalamat sayo eh kasalanan mo nga kung bakit nag-away kami ni Thea"
"Haha!! Kasalanan ko pa? Ibang klase"
"Oo kasalanan mo!! Inaway nya ko dahil sayo!!"
"Tss.. kasalanan ko ba na nakipag-away ka dahil sakin? Ehh di sana kasi sinabi mo na boyfriend mko para tapos ang usapan"Ano daw?? Malala na talaga ang isang to!!
"Bakit ba trip na trip mo ko?"
"Trip na trip? Pinag-ttripan ba kita?! Pasalamat ka nga sinave pa kita kanina ehh tss.."Napakasungit red days siguro..
Bulong nya na dinig na dinig ko naman kaya lalo ko syang sinamaan ng tingin ngumiti sya bago nagsalita..
"Wag ka ng magsungit kasi lalo ka lang gumaganda.. ge na may klase pa kami ee.." Pagkasabi nya non cool na cool syang naglakad palayo.. kami nila Sheena naiwang nakatanga lalo na ko.. nang-iinsulto ba sya?!!
"Wag ka ng magsungit kasi lalo kang gumaganda.."
Takas siguro sa mental ang isang yon!!
*lub-dub-lub-dub*Napahawak ako sa dib-dib ko..
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko??..
BINABASA MO ANG
Loving Mr.Torpe
Teen Fictionwhen two people are destined to be together, don't worry just wait. The love that you seek will come to you in the right time, the right place and with the right person that was meant to love you the way you always wanted..