Page 1

23 1 1
                                    

Dear Diary,

     Diary, alam mo ba yung EXO? Isa silang grupo na may 12 na members. Kala ko lang noon ang pangalang "EXO" ay isang candy dito sa pinas. Noon, nagtataka ako sa mga fans kung bakit grabe yung pagkaadik nila sa kpop. Nagtataka rin ako nun kung bakit iiyak sila kapag iiyak din yung idol nila. Pero alam mo lahat ng yan naintindihan ko na ngayon dahil isa na akong dakilang fan ng EXO. Ganito kasi yun.....

Flashback

Pumunta ako sa bahay ng bff ko nung hapon na iyon. Nadatnan ko syang nagbabasa ng wattpad. Tinanong ko kung anong title kasi tawa sya ng tawa. Sabi nya EXO Jokes daw. Edi nung nalaman ko yon binasa ko rin. Nung una  yung jokes lng ang gusto ko tas nung tumagal "Curiosity Kills" nga kaya yun sinearch ko rin ang EXO. Grabe nagulat ako nung nakita ko mga pictures nila. Magkakamukha sila at ang gaganda nila mas maganda pa sila saken eh. Tas sumunod na nuod ako ng mga videos nila pero dati kasi napanuod ko yung MV ni ng Growl sa myx kaya medyo alam ko yung kanta nilang iyon. Tas nun kasama ko na yung bff ko na nanunuod ng mga videos tulad ng EXO's Showtime. Pero alam mo diary may isang sentence na nagpalungkot saken nung isang day na nanunuod kmi ng bff ko ng EXO's Showtime ito sinabi niya "Sayang bat ba kasi umalis pa si Kris at si Luhan. Ang perfect na sana." Nagtaka ako sa mga pinagsasabi niya non. Tinanong ko kung totoo ba yun sabi niya totoo kaya naghanap ako ng evidence to prove it. Yun nga nakahanap ako. Yung video ni Luhan sa last performance niya kasama ang EXO. Grabe iyak na iyak ako dun. Parang gusto kong ibalik yung oras o di kaya sabi ko sana naging fan na lng ako noon nung buo pa sila, nung masayahin pa si Baekla at si Yoda. Sabi ko pa sana wala ng mabawas mas lalong sasakit ang sugat.

End of flashback

Oh diba ang haba ng flashback ko. Haha. Totoo lahat niyan diary. Kung sana maibabalik ko yung dalawa ginawa ko na pero di pwede eh nasa Pilipinas ako nasa Korea at China sila.
Tas wish ko sana hnd na sila mabawasan pero di nagtagal kumalat na ang balita na aalis si Tao. Ang daming nagreact sa rumor na yon sinasabi ng iba na hnd totoo, yung iba nman sabi hnd daw tuloy. Tas naibalita na pupunta ng US si Tao para magpagaling. Yun pala hnd na siya babalik. Pumunta na siya ng China at naging Solo Artist na lng gaya nila Luhan at Kris.

Parang ang lakas na suntok o sampal sakin yun eh. Oo alam ko OA masyado pero  masakit pala tlga. First time ko kasi maramdaman kadi nga diba hnd ko naabutan yung dalawa(Lulu&Yifan) kaya hnd ko alam ang feeling. Nakakalungkot pala noh? Alam mo diary. Muntikan pa na akong bumitiw sa pagiging fan eh. Pero hnd ko pla kaya na mawala sila sa buhay ko. Ang boring pla.

Ano ba tayo sa EXO? Isa lang naman tayong hamak na ordinaryong fan na minamahal sila at lumalaban kung sino man ang mangbash o maghate sakanila. Ang lalakas ng loob natin na tawagin silang "Yeobo/Jagiya/Asawa" at ipangalandakan na "Akin yan ha!" Pero kung may nakakilala na same bias ito ang sasabihin natin "Pwede share tayo?" Nakakatawa man pero totoo diba??

Sige diary sa susunod ulit!

Love,
Angel Park
-

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Thans for Reading Guyseu!!
Guys! Base In a True Story to!!
Vote for it!
And please follow me at:
Insta: @angel_exo92
twitter:@xxanneghelxx
Fb: Angel Salagubang Park

Diary ng isang K-pop FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon