Naalala ko pa nung una tayong magkita, sa coffee shop. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yon. Gabi non, madaming customer kaya mahaba ang pila.
Nagmamadali ako noon kaya sumingit na ako at sakto ikaw ang nasa harapan ko. Hindi ka umangal kaya akala ko okay lang sayo.
Matapos kong maka-order, aalis na sana ako dahil magkikita-kita pa kami ng mga ka-banda ko pero natapilok ako at natapon pa sa damit ko ang kape ko.
Badtrip na nga ako sa dami ng mga paperworks sa school, nadagdagan pa sa pagkatapilok ko. Agad akong tumayo dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao. May mga tumatawa ng palihim at may mga nagpipigil din, pero ang di ko makalimutan ay ang malakas mong tawa at ang mangiyak-ngiyak mong mukha.
Tinignan kita ng masama at natahimik ka.
"Buti nga sayo, sisingit-singit kasi sa pila eh." sabi mo pa saakin ng nakangisi sabay labas ng dila.
Asar na asar ako noon pero dahil may pupuntahan pa ako at ayokong mag-amoy kape, dumeretso nalang ako sa kotse ko at pumunta sa bahay ng kabanda ko.
Naalala mo rin ba noong una tayong nagkilala? Ako kasi hindi ko makalimutan ang araw na iyon.
Sa party ng bokalista ng banda namin, si Fire. Nagkabungguan tayo at natapon sayo ang alak na iniinom ko.
Sa pagkakataong ito, ako naman ang natawa dahil hindi maipinta ang mukha mo. Ang mata mong nanlilisik at ang mga kilay mong malapit nang magkadikit.
"Buti nga sayo, di ka kasi tumitingin sa daanan mo." panggagaya ko sayo. Sasagot ka pa sana pero may lumapit sayong lalaki. Boyfriend mo siguro.
Duane. Yan ang tawag sayo ng lalaki. Maganda ang pangalan mo.
Dumeretso ako sa pwesto ng mga kaibigan ko. Nandoon ang mga kaibigan naming galing sa ibang bansa at laking gulat ko nang makitang kitang nakaupo sa tabi ng gitarista ng banda, si Ice.
Lumapit ako sainyo at ipinakilala ka sakin ni Fire. Tamara Duane Leondale pala ang pangalan mo. Pinsan mo pala si Fire.
Akala ko susungitan mo ako dahil hindi maayos ang pag-uugali ko sa mga pagkikita natin pero ngumiti ka at inilahad mo pa ang kamay mo sa akin. Nginitian din kita at nakipagkamay.
Humingi ka ng paumanhin sa inasal mo sa coffee shop at ganun din ako.
Nagkausap tayo, nagkakilala. Nagkwento ka tungkol sa buhay mo.
Bilib ako sayo. Dahil sa dinami-rami ng problema mo ay nagagawa mo paring ngumiti at tumawa.
Naging magkaibigan tayo. Walang araw na lumilipas na hindi tayo nagkakausap. Sa tuwing may gig kami lagi kang sumasama at kapag nagprapractice kami, ikaw lagi ang naghahanda ng mga meryenda.
Habang tumatagal, mas lalo tayong napalalapit sa isa't isa hanggang sa napagtanto kong hindi nalang pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa iyo kundi higit pa.
Nagpaalam ako sa pamilya mo bago ko gawin ang planong kong panliligaw sayo. Pumayag naman sila. Tinakot pa ako ng kuya mo na wag kitang sasaktan dahil siya raw ang makakaharap ko. Pinaalalahanan ko na rin ang mga umaaligid sayo na wag ka nilang kakausapin o didikitan dahil magiging boyfriend mo rin ako balang araw. Natatawa pa nga sila kasi hindi pa nga daw kita naliligawan ay inaangkin na kitam
Sa mismong birthday mo naisipan kong magtapat sayo. Kinuntiyaba ko ang pamilya mo at ang lahat ng mutual friends natin. Sinorpresa kita at doon ko sinabi ang nararamdaman ko. Tinanong kita kung pwede ba akong manligaw at sabi mo oo.
Ang kaba na meron ako ay napalitan ng saya.
Sinosorpresa kita kahit wala namang okasyon. Sobra-sobrang effort ang ginagawa ko. Lahat ng alam kong panliligaw nagawa ko na ata. Gusto ko kasing paghirapan ang matamis mong oo.
