Bingi ka?! (One Shot)

33.5K 1.2K 249
                                    

New oneshot:
Collection of Heartbreaks
(Kung gusto niyong masaktan or maiyak.
Nasa BIO po yung link)

Bingi ka? (One Shot)

All Rights Reserved © 2013
_____________________________________________________________________________________

“Alam mo, Grapes. Ang gwapo gwapo mo! Ang ganda ng mga mata mo, Ang pula ng mga labi mo, Ang tangos ng ilong mo. Yaaahhhh!! Kaya naiinlove ako sayo eh!” Sabi ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinapansin, Tinuloy pa rin niya ang pagsusulat. Haayyy, Buti na lang talaga at bingi siya kaya nasasabi ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin.

Maya maya rin, Nagring na yung Bell,ibig sabihin, Breaktime na. Kinalabit ko na siya, Humarap naman siya sakin.

“Bakit?” Tanong niya.

Kinuha ko ang notebook ko at may isinulat dun.

‘Breaktime na natin, Kain na tayo.’

Tumango naman siya saka kami pumunta sa Canteen. Doon, Nakita namin namin sila Apple, Kasama yung Twinberry.

“Cherry, Dito!” Sigaw ni Apple sabay turo sa mesa nila. Hinatak ko naman si Grapes at umupo kami sa tabi nila.

“Kasama mo na naman yang crush mo! Hahaha” Panunukso ni Strawberry.

Tinignan ko naman si Grapes at halatang nagtataka siya kung bakit sila tumatawa, Hindi naman niya naririnig pero nakikita naman niya base sa kinikilos nila.

Kinuha ko ulit ang notebook ko at may isinulat.

‘Huwag mo na silang pansinin, Nababaliw na kasi sila.’ Tumango naman siya.

“Grabe ka naman! Hindi naman kami nababaliw noh!” Nakasimangot na sabi ni Blueberry.

Sinamangutan ko lang siya at sinagot. “Kasi naman eh! Sinabi mo na crush ko siya!”

“Eh bakit, Naririnig ba niya?” Oo nga naman, Naririnig ba niya? Hindi naman ah! May punto rin tong Twinberry na toh.

Tinignan ko naman siya na abalang abala sa kinakain niya. Grapes, Kailan mo ba maririnig ang mga sinasabi ko? Alam kong bingi ka, Pero hindi ka naman manhid diba? Hindi ka naman manhid para malaman mo na may gusto ako sayo, Na mahal kita?

“Hoyy! Balik na tayo sa Classroom! Tapos na yung Breaktime natin!” Natauhan lang ako ng nagsalita si Apple. Tapos na pala yung Breaktime namin, Nakita ko namang nakatayo na si Grapes at nakatingin lang sakin na parang nagtatanong. Nagsign naman ako ng ‘OK’ at saka tumayo.

Habang naglalakad kami palabas, Nakarinig kami ng nagsisigawan.

“Hoy! Ako ang nauna sayo eh! Singit ka lang!” Sigaw nung babae sa lalaking nakapila sa harap niya. Pero hindi siya pinapansin nito, at hindi rin siya naririnig kasi nakaheadset to. “Sabi ng singit ka eh!” Sigaw ulit nung babae sabay tulak sa lalaki. Pero masyadong malakas yung lalaki, Kaya hindi siya natulak nung babae.

Dahil sa inis nung babae, Hinatak niya yung Headset nung lalaki tapos pinutol yung wire.

“Ayan! Siguro naman maririnig mo na ako diba?” Galit na tanong nung babae. Nakikita ko yung sarili ko dun sa babae. Ganun din kasi ako nung makilala ko si Grapes dalawang taon na ang nakakalipas.

Pumipila kasi ako nun nang may lalaking sumingit sa harap ko.

“Uhmm, Excuse me po. Huwag po kayong sumingit.” Maayos ko siyang pinakiusapan pero hindi pa rin  siya umaalis.

Bingi ka?! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon