Legend 133: "Love Triangle"

195 8 0
                                    

~Yashiri's POV~


"Hiroshi, Yashiri..." tawag sa amin ni Seya. Nilapitan niya kami sa front seat matapos ang show ng LIMELIGHT. Tumayo kami ni Hiro at kinamayan namin si Seya.

"Thanks for inviting us." Sabi ni Hiro.

"No, thanks for coming." Natutuwang sabi ni Seya. "Maki is waiting for you sa dressing room."

"Okay. Susunod ako. Magyoyosi lang ako. Saan kaya pwede?" sabi ni Hiro. Hay naku, kailan kaya titigil sa pagyoyosi si Hiro? Gustong gusto ko na siyang sabihan na itigil na yun dahil masama yun sa health niya.

"Doon sa backstage, may pintuan papunta sa likod ng building. Doon pwede." Sabi ni Seya.

"Okay thanks. Mauna ka na sa dressing room, princess." Sabi ni Hiro sa akin. Huminga nalang ako ng malalim at tinanguan ko siya. Mamaya ko nalang siya kakausapin tungkol sa pagyoyosi niya. Hinintay ko na makalakad palayo sa amin si Hiro.

"Let's go?" sabi ni Seya.

"O-Okay..."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa dressing room ng LIMELIGHT.

"Ang galing ng performance nila. Grabe. Halos mag-iisang taon na simula nung debut nila." Sabi ko.

"Yeah. Ang bilis ng panahon. And because of that, we are currently planning for another concert."

"Really? Saan naman?"

"We are planning an Asian tour. Marami rin kasi silang fans sa Asia lalo na sa China and Philippines."

Nanlaki yung mata ko. "Really? As in Asian Tour?"

Tumango si Seya. Napangiti naman siya.

"Hindi ko rin akalain na sisikat sila ng ganun." Sabi ni Seya.

"Dahil kay Maki kaya sila sumikat. Nadala niya yung grupo." Sabi ko.

Biglang umiling si Seya. "Hindi lang si Maki. Kaya nagustuhan ng mga tao ang grupo nila ay hindi lang dahil kay Maki o dahil sa magaganda sila. It's because of their songs. Gusto ng mga tao yung kanta nila."

"You mean to say, dahil sa composer niyo? Si Satomi?"

Natahimik naman si Seya. Papalapit na kami sa dressing room nang makasalubong namin si Akemi.

"Where are you going, Akemi?" tanong ni Seya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ilang beses ko na bang nakakahalubilo si Akemi? Maganda talaga siya at talented. Malakas ang kutob ko noon pa man na may gusto siya kay Hiro my labs ko. Halata ko naman na hindi siya makatingin sa akin. Saan nga kaya siya pupunta?

"Diyan lang, Manager." Sagot niya. Matapos nun ay mabilis siyang naglakad palayo sa amin. Napalingon nalang ako sa kanya.

"Seya, may boyfriend na ba si Akemi?" tanong ko.

"W-Wala. Saka hindi rin sila pwedeng magkaroon nun."

Kumunot yung noo ko. "But why?"

"Nakalagay yun sa contract nila. In three years, bawal ang relationship. Para makapag focus sila sa career nila. Ganyan din si Maki noong solo artist pa siya."

"Grabe. Kawawa naman sila."

"Y-Yeah. Kahit may nagugustuhan sila, hindi pwede." Biglang lumungkot yung boses ni Manager Seya. Hmmm bakit kaya? Alam na kaya niya na may gusto sa kanya si Maki?

Huminga siya ng malalim at pinilit na ngumiti.

"Let's go inside.." sabi niya. Pero nahinto kami sa pagbubukas ng pinto dahil sa mga narinig namin. Medyo nakaawang kasi yung pinto.

Soulmates 2: The Legend Unfolds [S2TLU] (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon