Chapter 1- Pabebe wave

9 0 0
                                    

"Sarah! Dikit na sa'kin!" Sabi ng kaibigan kong baliw, pero mas baliw ako. O syempre! Dumikit naman ako sa kanya. Paano ba naman...

Biglang napatingin si Basilio sa'min at nagpabebe wave, hindi sakin. Kundi sa kaibigan kong si Marj. Oo yung luka luka, close sila ni My SBG eh.

Siniko naman nya ako at sabay sabi ng, "Paksyet Sarah! Si Basilio, kasama ang long board nya! Walang damit." Sabay tawa ng luka luka. At nagpabebe wave back pa.

"Hala. Nagba-blush ka Sarah!", Gatong naman ni Mommy Merj, ang nanay-nanayan ko sa school.

"Mainit lang mommy!" Sagot ko naman.

"Liar! Kinikilig ka lang kay Sisang baliw! Bagay kayo nun! Pareho kayong maliit! Hahahaha!" Dagdag pa ni Marj.

Naglakad na kami papunta sa terminal ng jeep. Nadaanan lang namin, scratch that dumaan talaga kami dun kung saan nagpapractice sina Basilio. Oo, sya yung crush ko. Bakit? Wala. Para makahugot ng inspirasyon. Hihihi. Landi ko talaga. Makauwi na nga.

***

"Sars daan muna tayong Jollibee. Gutom na ako ih!" Sabi ni Marj sa'kin. "Ayoko, may gagawin pa ako eh!" Sagot ko naman.

"What kind of food buddy you are?" Umingles pa sya. At pumayag na nga ako sakanya. Aba sino ba makakatanggi dyan? Mahirap na baka magtampo.

Pumasok na kami sa mall, tinusok ng security guard yung bag namin at medyo natamaan nya ang siko ko ng barret na hawak nya,

"Aray! Kuya bakit ka po nananakit? Lahat na lang kayo sinasaktan ako!" Drama ko kay Kuya na Secu.
"Sorry po ma'am!" Sigaw naman ni Kuya Secu na natatawa pa.

Tawa naman ng tawa si Marj at si Mommy Merj sa ginawa ko, at nag stand-by pa sa harap ng monitor ng cctv at nagpakyot. Mga baliw.

Tumuloy na nga kami sa pakay namin at naghanap ng mauupuan na dali dali din naman naming natagpuan. Pag katapos naming umorder at kumaen ay napagdesisyonan naming magpunta sa 4th floor para magC.R, mahirap na baka makasalubong namin si Basilio. Hagardo Versosa na agad ang beauty ko. Enebeee!

Habang nagkukwentuhan pababa ng escalator, bigla na lang kumabog ang dibdib ko. At sa kabilang escalator papanik pataas si Basilio, isabay pa ang kantang,
"Darling I, will be loving till '70." Ni Ed Sheeran. Nagkatinginan kami at animo nagslow-mo pa ang buong paligid.

"Sarah!" Sabay poke ni Marj sa'kin saka lamang ako naibalik sa realidad. Nasa first floor na pala kami. Muntik na akong nadapa doon ah. (A.N: Tanga mo talaga forevs!) Wala akong pake author! (A.N: ✔Seen!)

Mabuti na lang at nahawakan ako ni Mommy Merj. Kundi nadapa ako dun.

"Madalas talaga Sar! Tanga ka!" Pambubully naman ni Marj.

Nagtambay lang kami saglit para sumagap ng free wifi at syempre bukas agad ng FB tapos

search: Paul Basilio.

WHAT?!!!!! ANO TO? OH NOEEEEES!

My skateboard guyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon