IMA

115 4 5
  • Dedicated kay charie balaong
                                    

“Ima”

But even if we don’t have the power to choose where we come from,

we can still choose where we go from there…

-Stephen Chbosky

The Perks of Being a Wallflower

Agad kong pinara ang unang dumaan na jeep at agad na sumakay rito. Gusto ko agad na maakauwi na sa amin. Nakakatawa mang isipin na nuong estudyante pa ako ay ginagawa ko ang lahat para lamang hindi umuwi ng maaga. Andiyang tumambay ako sa bahay ng kaklase ko o di kaya naman ay maglibot sa kung saan. Ngayon, wala akong ibang ninanais kundi makauwi agad sa bahay.

Sa harapan ako umupo, sa may tabi ng driver. Ilang saglit lamang nang paghihintay sa pasahero ay agad nang nagsimulang umandar ang jeep. Hindi mabagal ngunit hindi rin matulin. Tama lamang para agad na mahintuan ang mga makikita pang pasahero gayun ding ang mga papara na upang bumaba.

Napangiti ako nang mapadaan ang sinasakyan kong jeep sa dati kong eskwelahan noong high school. Ilang taon na rin pala ang nakalipas. Kumusta na kaya ang mga kaklase ko noon? Siguro’y mga graduate na silang lahat ng kolehiyo. Siguro’y may asawa na ang iba at maganda na ang buhay. Siguro’y may mga titulo na at kanya kanyang propesyon.

Haaay…

Hindi ko mapigilang hindi bumuntong hininga matapos kong mabasa ang malaking banner na nakakabit sa di kalayuan ng dati naming eskwelahan. Napailing pa ata ako matapos itong basahin.

INVITING ALL BATCH 06-07 OF MUNOZ NATIONAL HIGH SCHOOL ON MAY 11, 2012

AT AQUALANDIA RESORT. Please contact ……blah blah blah…

Noon. Ako ang pinaka maganda. Halos lahat ng titulo at korona sa mga pageant ay napapanalunan ko. Pero ngayon ko lang naisip na wala rin palang kwenta ang lahat ng iyon. Isa lamang ang natutunan ko sa kabanatang iyon ng buhay ko. Na hindi lahat ay nananatili ng matagal. Inaamin kong masyado akong nabilib sa sarili ko. Masyado akong nadala ng magagandang papuri at palamuti. Akala ko noon ako na ang pinakamaganda. Akala ko rin noon na kapag maganda ka, exempted ka sa mga problema at pagkakamali. Pero mali ako ng akala dahil kung alam ko lamang noon na mali ang lahat ng pinaniwalaan ko, di sana ako ngayon isang ina.

“Para na ho diyan sa tabi…”

Malakas kong bigkas nang makita ko na ang kulay lumot na gate ng compound kung saan kami nakatira. Kapansin pansin ang gate at pader na ginagapangan na ng mga damo at lumot. Sa malayo, para itong lumang kaharian na matagal ng hindi nalilinis. Isang kaharian na inulan at inaraw dahilan upang lumago ang mga nakakapit nitong lumot. Sa apat na pamilyang nakatira sa loob ng compound, walang nakaisip na tanggalin ang mga kumakapal ng lumot sa gate at sa pader na ito. Siguro’y mas gusto nilang makatipid ng pintura o di kaya’y pakiramdam nila ay malamig ito sa mata. Gayunpaman, masaya akong titigan ito paminsan minsan.

“Isha anak andito ka na pala… alam mo bang kanina pa umiiyak itong si Comic, mabuti na lamang at dumating ang kuya mo. Nung kargahin nya bigla na lamang tumahan. Gustong gusto ata ang amoy ng kuya mo…”

Napangiti lamang ako sa pagkukwento ni tita. Dahan dahan ko namang binuksan ang pinto ng kwarto naming mag-ina at doon ko nakita na parehong natutulog ang dalawa. Si kuya at si Comic. Nasa ibabaw ng malapad na dibdib ni kuya si Comic, nakaalalay ang isa nyang kamay sa katawan nito upang hindi mahulog. Kung di mo kasi alam na mag-tito sila aakalain mong tunay silang mag-ama. Kahapon nang samahan ako ni kuya para ipa-check up si Comic ay sinusundan kami ng tinginan ng mga nanay na nakapila din para magpa-check-up. Akala kasi ng mga nars at ng iba pang nanay ay asawa ko si kuya. Siya kasi ang may karga kay Comic habang ako ang may dala ng mga gamit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon