Huling taong na ng elementarya si Mellisa at sa pagkakatong eto madami siyang natutuklasan sa kanyang buhay mga bagay na minsan pinangarap niyang madaluhan at mangyari sa buhay niya habang nag aaral, may pagka istrikto kasi ang mga magulang niya na minsan hindi siya nakakasali sa mga activity isa nadun ay ang Girl's scout nung grade 5 siya, kung saan ay grade 5 at 6 ay may camping sabi ng mama niya na sa susunod na lang siya sumali dahil delikado at hindi siya mababantayan ng teacher nila sa dami nilang studyante,hindi rin siya nakakasama sa outing ng mga klasmate niya kapag nag aaya sila at may birthday. puro bahay at paaralan lang siya halos naglalagi.
"hoy Mellisa sasali ka ba sa camping naku baka di ka nanaman pasalihin ng mama mo" lintaya ng kaklase kung si mona kababata at kaklase ko mula pa kinder kami
''oo sasali ako sinabi na ni mama yun noon sakin na pwede ako ngayon dahil last na para naman kahit papano ma-experience ko makatulog sa iba maliban sa bahay namin" sagot ko
"ay masaya kung ganun magkakasama tayo nga pala uy alam mo ba ang balita?'' bulong ni mona sakin
"hindi ano yun" pangsasakay ko sa kanya wala atang araw na wala etong dalang chismis hindi mabubuo ang araw neto ng walang dalang chismis maniwala kayo daing niya pa si Manung ben na nagpapataya ng Jueteng.
"si wilmar na daw at Petals" bulong niya ulit
"ha ngayon mo lang alam yan matagal ng balita yan ah" kunot noo kung baling sa kanya
"ano kelan pa bakit di ma naman sinasabi sakin" loko din tung babae nato eh itulad pa ako sa kanyang chismosa
"halata naman kasi" sabi ko na lang sa kanyan ng matigil na siya.
mag-uuwian na at nag aayos na ako ng mga libro sa bag akmang iaangat ko yung bag ko ng pati ang arm chair ko ah umangat din, agad umakyat ang inis ko dahil alam ko na kung itinali nanaman ang bag ko ng mga hambog kung kaklase na ngayon ay tawa tawa ng umalis hindi lang ako ang nakatali ang bag halos lahat kaming nasa second row.
"Tara na Mellisa ano bang ginagawa mo pa dyan?" lingon ni mona sakin
"ang hipit naman ng buhol nito nakakainis naman oh." makakatikim talaga yung mga yun sakin bukas
"sa susunod kasi isabit mo na lang sa harapan mo yang bag mo ng di natatali nung mga loko lokong yun." hindi lang kasi ngayon nangyari to sakin hindi ko naman maisabit sa harap ko dahil napaka arte nung nasa harapan ko ayaw magpasabit ng bag. naglakad na kami nila mona palabas ng school ng madaanan namin yung sila Adison at mga tropa niya malapit sa isang room siguro may inaantay,nakita kung nakatingin samin yung isang kasama niya si Jarish pasiring ko siyang tinignan at saka inirapan at nakita ko pang kumunot ang noo niya.
kinabukasan lunch break namin dahil sa bayan kami nag-aaral nagbabaon na lang kami at kumakain sa room madami kaming ganun taga iba't ibang bario kasi kami minsan ay share kami ni Mona ng ulam, nagliligpit na ako ng lunch box ko ng biglang lumapit si Jarish sakin.
"bakit mo ako inirapan kahapon ha" bungad niya sakin aba nagtatanung pa talaga pasiring ko ulit siyang tinignan
"eh kung itali ko rin kaya yang bag mo matutuwa ka ha" sumbat ko sa kanya
"nakita mo ba na ako nagtali dyan sa bag mo ha" sagot niya sakin kahit na hindi siya kasama nadin siya dun
"kahit na alam kung isa sa inyong magkakabarkada yun" inis ko paring singhal sa kanya
"wag kang iirap-irap dyan mellisa baka mainlove ka sakin kawawa ka" ngising asar niya sakin, aba ang kapal neto ah
"baka ikaw tumabi ka nga papansin ka lang eh alis" pag tataboy ko ayoko sa lahat mga taong presko humalakhak lang siya at lumabas ng room
BINABASA MO ANG
All or Nothing
RomanceAlam mo yung nakakatakot pagdating sa love? yung sobrang okay naman ng lahat,masaya kayong dalawa pero darating araw na biglang nagbago na, hindi na ikaw ang dahilan kung bakit siya sumasaya. they say "Some people are meant to fall in love with each...