Chapter 2

3 1 0
                                    

Sa di kalayuan nakita ko sila dan at jho mukhang pumunta na sila sa bahay nakita kung nandun sila lola,lolo at mama sa daan siguro inaabangan ang dating namin habang si papa karga yung bunso kung kapatid tinatanung si kuya orly kung nasan ako saka si Chell na kapatid ko.

"nandito lang sa likod ko nung pauwi ako" naririnig kung sagot ni kuya orly habang ako dahan dahan na naglalakad

"oh eh nasan bakit wala hindi niyo kasama" medyo pagalit ng tanung ni mama saka binalingan si chell

"nasan ang kapatid mo" baling niya sa kapatid ko

"eh nandyan nga po kanina sa likod nakasakay" sagot naman nito

nakita ko ng nakalapit sila dan at jho patay na.

"antie! antie! nahulog si Mellisa sa motor sinasakay namin ayaw naman po" sumbong nila nakita kung nagpapanic na sila kaya naglakad na ulit ako

"naku manung orly kapag may nagyari sa kanya hindi ko alam magagawa ko" sabi ni mama

"ayun na po siya" sabay turo nila Jho saki sinulyapan nila akong lahat at tinakbo akong tinignan sa mga braso may gasgas ni mama.

"ma ayus lang po ako" sabi ko habang tinitignan niya nag katawan ko nakita kung binaba ni papa si bunso saka lumapit nadin inangat niya ang blouse na uniform ko napasinghap si mama dahil madami akung gasgas dun.

"ipasok niyo na sa bahay at tignan o ipunta niyo na sa hospital baka may bali siya." narinig kung utus ni lola, iginaya naman ako sa loob ng bahay nila mama

"tumama ba yang ulo mo nak" tanung ni mama pero umiling ako

"hindi po" sagot ko pero ramdam ko yung balikat ko na masakit.

"ano masakit nahihilo ka ba" tanung ni mama

"masakit po yung balikat ko" sagot ko narinig kung pinapatawag niya si angkel eddie yung naghihilot ng pilay

"bukas pupunta tayong hospital para makasiguro para ma scan yang ulo mo delikado na, sa susunod hindi kana sasakay sa likod ng motor sa loob kana sasakay" nakita kung kausap nila lolo si manung orly naawa ako wala naman siya kasalanan pero napagalitan siya dahil sakin. tumango na lang ako sa sinabi ni mama. ibig sabihin hindi ako makakapasok nito bukas hayst kasalan tu ng kumag na yun kakaisip ko sa pinagsasabi niya nakaidlip tuloy ako.

"ma hindi naman tumama ang ulo ko may pasoka ko bukay papahilot na nalang natin tung balikat ko" Pang uuto ko kay mama alam kung mahal ang pang pahospital ayoko ng makadagdag pa sa gastos.

"basta kapag may naramdaman ka magsabi ka kaagad para alam ko" sabi ni mama

"opo ma" sagot ko mayaya pa dumating na yung naghihilot saka pinahilot at tinapalan ng dahon yung balikat ko bilin niya na wag ko daw babasahin kaya di ako makakaligo bukas. maaga akung nagising kaya kumain na ako amoy langis tuloy ako hindi pa naman ako pwedeng maligo kaiinis nahapdi pa ang likod ko sa mga gasgas at medyo hindi ko magalaw ang kaliwang balikat ko. binilinan ni mama na si manung orly na wag na akung pasasakayin sa likod ng tricy namin at ihatid daw ako hanggang sa loob ng class room namin dahil may kabigatan ang bag ko hindi ako pwede magbuhat dahil baka mas lumala ang bali ko sa balikat.

"oh anong drama yan Mellisa" bungad ni Mona sakin pagkaupo ko nahuli ata sa balita eto ngayon

"may bali balikat ko" simpleng sagot ko na lang

"ha anung katangahan kasi ang ginawa mo" natatawa niyang sagot sakin inirapan ko lang siya

"huy ano nga bakit ka nabalian" tanung parin niya

"nahulog ako sa lamesa" pagsisinungaling ko

"ha anung ginagawa mo sa lamesa at nahulog ka"

"kumukuha nga tinapay sa basket namin" simple sagot alam niyang madaming basket ang mama na nakasabit at may mga tinapay,tuyo at kung ano pa ang nakalagay dun, doon nilalagay ni mama ang mga yun para hindi maabot ng pusa namin at kada pupunta siya samin nakikita ni mona na dun ako kumukuha ng milo para timplahin namin at gawing dinosaur drink.

"bakit kasi ang tanga mo best haha" inis ko siyang nilingun

"ang talino mo ah madulay yung lamisa bago yung mantel ni mama" pasiring ko siyang tinignan nakaismid lang din siya na natatawa.

problema ko to kapag lilipat kami ng room para sa susunod na subject panu ko bubuhatin ang bag ko hay bahala na sa kanan na balikat ko na lang bubuhatin.nag umpisa na kami sa uang period namin hindi din ako makasulat ng ayos kaya nakaupo na lang hiramin ko na lang notes ni mona mamaya sa bahay na ako magsulat. pagkatapus ng klase nagsitayuan na ang mga kaklase ko para lumipat ng subject. nakita kung nakatingin si Jarish sakin akmang kukunin ko yung bag ko ng maunahan niya akung kunin yun at nauna na siyang maglakad naiwan akung nakatingin sa kanya.

"tutunganga ka na lang ba dyan tara na ang bigat ng bag mo" sita niya sakin ngumuso naman ako

''sino ba kasing nagsabi sayong buhatin mo yan kaya ko naman" sabi ko

"di ka nga makapagsulat buhatin pa kaya tung bag mo sa payat mong yan bakit ganito kabigat ang bag mo" kunot noo niya baling sakin habang naglalakad nahuli na kami nag unahan ang mga kaklase namin dahil unahan sa upuan. nakanguso lang akung sumasabay sa kanya.

"bakit ba kasi umakyat ka sa lamesa ayan tuloy imbis na ikaw magbubuhat ng bag natin ako tung nagbubuhat ngayon" reklamo nanaman niya kaasar to ah

"kasalan mo din naman" sabi ko pero hindi ko nilakasan pero narinig niya parin

"anong kasalanan ko" baling niya sakin habang naglalakad kami

"ginutom kasi ako kahapon ako halos naglampaso at pinagbuhat pa kita ng bag mo kaya dapat lang na buhatin mo yang bag ko" sagot ko sa kanya

"tsk bilisan mo wala na tayong upuan niyan" sumunod na lang din ako sa kanya sa likod tuloy kami nakaupo hina hina pa naman magsalita ni Maam Cruz puro pa to pasulat naka upo lang ako magkatabi kaming nakaupo. nakita kung ngingisi ngisi si mona sa harap kinunotan ko naman siya ng noo problema nun.

"pahiram nga ng notebook mo may titignan lang ako sa last na kinopya natin" sabi ni Jarish saka niya kinuha nag notebook ko na sa upuan ko,hinayaan ko lang siya nakaupo lang ako at nakapangalumbaba sa upuan ko dahil masakit na maisandal ang likod ko dahil sa mga gasgas ko mahapdi. tumayo siya at nagpunta sa harap nakipagpalit siya sa kaklase namin nakita kung nangungupya siya sa sinulat ni maam halata kasi pasulyap siya sa board. saka nadiscuss si maam nakinig na lang ako at nung natapus saka bumalik si Jarish at inabot ang notebook ko. nilagay ko na yun sa bag ko at saka niya kinuha ang bag ko para bumalik sa room namin breaktime na kaya ang daming studyante nagkalat.

"honey daan tayo sa likod bibili lang ako ng meryenda" narinig kung sabi ni Jarish ayan nanaman ang tawag niya sakin inis ko siya tinignan

"pwede ba tigila mo yang pagtawag tawag sakin ng honey mamaya may makarinig sayo kung ano pa isipin nila" sabi ko sa kanya nakita ko namang nag aantay si mona sa labas ng room.

"bakit pangalan mo naman talaga yun" baling niya ulit sakin

"Tara daan na tayo sa likod bili tayo meryenda" aya din ni mona sakin

"Ayus tara sabay na tayo mona" sabi ni Jarish kay mona sumunod na lang kami ni mona sa kanya siniko naman ako ni mona

"ano? " taas kilay kung tanung sa kanya naniningkit ang mata niyang nakatingin sakin

"anong meron sa inyong dalawa ha" usisa niya sakin

"sinomg dalawa" sabi ko sa kanya nginuso naman niya si Jarish sa harap ko

"yan may pabuhat buhat pa siya nga bag mo" sagot niya

"wala" tipid kung sagot sa kanya inismiran niya lang ako nakita naming bumibili ng piattos si Jarish saka siya bumaling samin

"ano sa inyo?" tanung niya

"Piattos din sakin yung blue" sabi ni mona

"ikaw Honey-bee?" baling ni Jarish sakin nilakihan ko siya ng mata nakita kung umismid si mona sabay bulong na

"wala pala ha" nanliit na lang ang mga mata kung tumungin kay Jarish.

All or NothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon