Ano kaya ang pwedeng mangyari sa isang click ng camera? Marami kang pwedeng matutunan at mapagtanto.
Sabi nga nila, "People change, memories don't. "
Sabi ko naman, "Ang pag ibig ay parang camera, paghawak mo may spark, pag binitawan mo naman tuluyang mawawasak at masisira."
Sabi naman nya, " I wish I was this camera because I want to make you smile whenever you're sad."
Teka, nasan na ba ang lesson? Sa totoo lang, ang Camera ay isang teknolohiya lamang na nadiskubre ni Steven Sasson, pero saakin?
Saakin ay isa ito sa pinaka mahalagang bagay sa buhay ko, dahil bukod sa nakakaaliw ito ay matatandaan mo ang mga masasaya at malulungkot na araw ng buhay mo.
Sa camera, nagsimula ang lahat. Sa isang click ng aking camera kami nagkilala, sa pagtapat ng nakakasilaw na ilaw sakanya nagsimula tumigil ang pag ikot ng mundo ko. Joke, OA na.
Sa isang click lang, nagbago ang lahat.
Nagsimula sa isang click ng camera at natapos sa isang click ng camera.
"Kahit ilang araw, linggo, buwan o taon. It brings back the memories. Pwede magbago ang lahat, pero ang alaala sa mga litratong nandito sa camera ko? Hinding hindi yan magbabago."
Paano nga ba tayo nagsimula? Ah oo nga pala, It started with a Click.
