Chapter 1: AAAAHH

85 3 0
                                    


He's a bad boy. And maybe the worst kind you can think of.

Well, not your typical bad boy. Hindi yung palaging inaaligiran at tinitilian ng mga babae.


He's a bad boy, literally. And yes, he's a gangster.

Iba siya sa lahat ng gangster na kilala ko. Ibang iba talaga.

By the way, ako nga pala si Pauline Marie Costabella, ang isang hamak na studyante nga MathHI School of Rock. Choir member and proud member of the dance troupe. Akala niyo I'm a nerdy-girl? Well no, marami kasing namamatay sa maling akala. Joke lang.

At siya? Siya ang ultimate crush ko. Forever na siguro to. Yes, naniniwala ako sa forever, hindi naman ako bitter eh. Since first grade, I started developing feelings for him and ever since first grade, my world slowly stops whenever he is around. Kaya nga lang, hindi niya ako pinapansin kahit magkatabi kami sa halos lahat ng subjects noong elementary. Kinokopyahan nya nga ako eh pero binabalewala ko lang. Crush eh. Wala ka namang magagawa kapag na tamaan ka na sa kanya diba?


Kaya ayon, hanggang ngayon natatamaan pa rin ako sa kaniya.

Mas malala pa siguro sa tama ng utak nitong katabi ko sa table.


"Hoy Pauline!" diin ng katabi ko habang pinapalo ang braso ko. "Si Maam oh kanina ka pa sinasamaan ng tingin!" Ano naman kung ganon? May magagawa ba ako sa tingin niya?

Okay, back to my sob story.

Pero kahit ganoon, never pa kaming nagsalita sa isa't isa. Ni isang pagkakataon wala kaming nakuha na magsalita sa isa't isa. Never talaga as in N-E-V-E-R. Minsan nga naghihinala akong pipi siya kaya ganoon pero nagsasalita kaya siya sa ibang kaklase namin. May problema ata yun sakin eh. I know na hindi na man ako bad breath, abnormal, or whatsoever. Ewan ko talaga sa kanya.

Siya nga pala si Dan de Leon, ang tanging nag---

"COSTBELLA! Are you even listening to me? Tulala ka na naman. Palagi ka nalang nakatulala sa klase ko. Tigilin mo na yang pagde-daydream mo kundi babagsak ka na talaga sa klase ko" Sabi ni Maam Geraldine na physics teacher namin. Not to mention, siya yung hatest teacher sa lahat ng students dito.

Eh paano ako babagsak nito, eh nakaupo nga iyong tao oh? Hindi nya ba ako nakikita?

I rolled my eyes sabay sabing: "I'M SORRY PO MAAM HA".

Wait, bago mabahiran ng sama ang tingin niyo sa akin, I would like to say na mabait naman ako. Oo, mabait ako but at times mataray, pero all in all, mabait ako. Okay?


"COSTABELLA GET OUT OF THIS ROOM RIGHT NOW!" Kung makapalabas parang sa kanya yung room. Wala namang pangalan niya.

Binelatan ko siya ng patago at nakita ng mga kaklase ko kay tumawa sila.

"ANONG NAKAKATAWA? GUSTO NIYO RIN NG DETENTION?" Oops. HAHA.

At nag-uusok na ang kanyang ilong at lumalabas na ang apoy sa kanyang bibig at iniluwal na ng impyerno ang kanyang mga mata kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumabas sa room na ito.

Kawawa naman kung masunog ng tuluyan yung mukha niya.

YES! Free time na naman. 3rd time this week, bingo.

Pero bago ako tuluyang lumabas dala-dala ang bag ko, I scanned the room first. Baka sakali, baka sakali nandoon siya. As expected, nagcutting classes sa naman si Dan.


At dahil nagugutom ako pumunta ako ng canteen at umorder ng fries, burger at juice. Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin akong kumain kaya nag-ikot ikot muna ako ng school.

Mukhang naikot ko na nga ang buong campus eh. Kaya ayon, napagpasyahan ko nalang pumunta ng library para makatulog naman ako. Wala naman sigurong tao doon at tsaka, malamig rin kaya doon nalang ako.

Sosyal rin yung library namin eh, may Heaven at Land. Ang Heaven ay yung parte na mas malaki ang space at mas maliwanag ngunit kasing init ng impyerno kung marami ang tao. Yung Land naman ay kung saan nakalagay ang mga books at tila mas malamig.

Pumasok ako sa library. I'm here in Heaven. Mabuti nalang walang iba tao. Tumungo ako sa transparent door papuntang Land at chineck kung may ibang tao at pumasok ako.

Sa gilid ang librarian's table na hindi naman talaga ginagamit ng librarian namin kaya standby lang ang mesang yun doon. Sa gilid kasi ay medyo tago siya. Dito nga gumagawa ng malisya ang mga tao, dito rin tumatago ang mga nagcu-cutting at iba pang similar acts.

At ngayon, ako lang pala ang tao dito. Wow, galing naman, makakatulog ako ng maayos, walang guro, walang librarian at walang mga students.

Humiga na ako sa sahig, na mukhang malinis at papikit na ang aking mga mata. Hanggang sa---

Ano yun??

May tumunog kasi parang nanggaling sa ilalim ng librarian's table. Lumalakas ang tunog kaya naisipan kong lumapit ngunit nagdalawang isip talaga ako eh baka mapaano pa ako.

Pinikit ko yung mga mata ko as I silently prayed.

"Ito na kaya yun? Ito na kaya ang kwento nilang lahat na white lady sa library? Bakit ngayon pa siyang nagdesisyong magpakita na inaantok ako at nag-iisa lang ako dito. Bakit ba kasi!! Lord, tulungan mo naman ako oh, alam mong mabait kasi ako. Lord naman huwag niyo muna akong kunin???"


Narinig ko ang parang malaking tunog ng pagtumba ng lamesa. Naidilat ko yung mata ko at napaupo ako at parang may nakita akong black figure. At ito ay unti-unting tumatayo.

And not to mention, this black figure is walking towards my direction.

Sinubukan kong tumayo ngunit---


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!"







--------------------------------
DUN DUN DUN DUN!!!!

Mysterious Mystery GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon