Tips Pag Walang Magawa

1.2K 16 3
                                    

Tips kapag bored.

Pwede rin itong gawin  para maiba ang takbo ng buhay mo

O kaya ay gusto mong magmukhang baliw.

Babala: Baka akalain ka ng mga tao na may mali sa utak mo. XD

Tip #1

        Ibenta ang CP mo at bilhin ulit.

Tip #2

        Ibigay ang wallet sa katabi mo sabay sigaw ng "Holdap!!" 

Tip #3

        Makipaglaro ng taguan tapos umuwi ng bahay.

Tip #4

        Paghiwalayin ang sangkap ng 3in1

Tip #5

        Uminom ng limang basong kape at matulog.

Tip #6

        Kurutin ang kapatid at unahang umiyak. (Kung wala kang kapatid, kurutin mo ang pinsan mo o  anak ng kapitbahay mo)

Tip #7 

        Makipag jak-en-poy sa salamin... hanggang sa manalo ka.

Tip #8

        Hulihin mo ang utot mo. 

Tip #9

        Lumapit sa taong hindi mo kakilala (Siguraduhin mo na kasama ang syota niya) at sigawan mo ng mga katagang "Walanghiya ka! Sabi mo maysakit ang nanay mo?! Yun pala nakikipaglandian ka sa pangit na toh? Break na tayo!!" At kung may sapat na lakas na loob ka sampalin mo. Tapos dali-daling magwalk out ka.

Tip #10

        Tumawag sa isang random number at diretsong umorder ng pizza. 

Kung nagawa mo na ang lahat na iyan at hindi ka pa rin kuntento. Hanapin ang bahay ng author nito at humingi pa ng ibang TIPS PAG WALANG MAGAWA.

Sa lahat ng nagbasa. Salamat at binasa ninyo ang aking mga walang kwentang tips. :)

Tips Pag Walang MagawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon