LM [1]

643 32 4
                                    

LM [1]

•••

"Hoy!"

 

"Bakit!?"

 

"Pwet mo may rocket! Hahaha!"

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi nya akong inaasar, lagi nya akong kinukulit, lagi nya akong iniinis. Gusto kong magalit sa kanya, gusto ko syang murahin pero...

"Oh talaga? Kwento mo sa pagong na bakla!"

 

Nakiki-sabay ako sa pang-aasar nya, nakiki-sabay ako sa pangungulit at pang-iinis nya.

Hanggang sa dumating 'yung araw na umiyak ako kasi hindi ko kinaya ang mga ginagawa nya.

"Asar talo!" rinig ko na sabi nya.

Naka-subsob lang ang ulo ko sa mesa at umiiyak, ramdam kong nasa tabi ko lang sya. Buti na lang wala kaming teacher ngayon at 'yung iba naming classmate nasa labas.

"Alam mo napaka-iyakin mo pala. Hahaha, ngayon may isa pa akong pang-asar sayo. Iyakin! Bleeh! Haha."

Hindi sya 'yung tipong mabait na lalaki, once na alam nyang asar ka. Mas lalo ka pa nyang aasarin.

•••

Lumipas ang mga buwan, naging sanay na rin ako sa pang-aasar nya, nakiki-sabay na rin ako sa kanya. Pero iba ang tingin sa'min ng mga classmate ko, sinabihan nila akong malandi, kasi nakikipag-landian daw ako kay Harold. Nasaktan ako, kasi hindi naman 'yun totoo, nang-huhusga agad sila.

"Chinny, iyakin ka talaga." nag-punas ako ng luha at humarap sa kanya.

"Kapal, hindi ako umiiyak." pag-sisinungaling ko. Umupo naman sya sa tabi ko, nandito ako ngayon sa garden ng school namin. Hindi ko alam kung paano nya nalaman na nandito ako.

"Oh." nagulat ako kasi bigla nya akong inabutan ng panyo. Pero hindi ko 'yun tinanggap.

"Alam mo ako 'yung laging nang-aasar sayo pero sa panahon na inaasar ka ng ibang tao. Pwede mo akong ituring na kaibigan, tulad ngayon." sabi nya sa'kin habang naka-tingin at pinunasan nya ang mga tumutulong luha sa mata ko gamit ang panyo nya.

Simula 'nun, na realize ko na sya ang taong nag papaiyak sa'kin pero sya din ang taong kaya akong pahintuin.

•••

Naging mas malapit pa kami sa isa't-isa, pero hindi nya pa rin ako tinatantanan sa pang-aasar, ganun din naman ako sa kanya. Kung dati'y na iinis ako sa tuwing inaasar nya ko. Pero ngayon hindi yata ma-kukumpleto ang araw ko pag hindi nya ako inaasar.

"Haha! Mukang bayawak! Hahaha." rinig ko na pang-aasar nya sa isa naming classmate.

Bakit ganun? Bakit parang nasaksaktan ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

•••

"Harold!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit?!" medyo inis na sabi nya.

"W-wala." sabi ko habang umiiling sabay tingin sa blackboard.

Gusto kong asarin nya ulit ako, gusto kong galitin nya ulit ako, gusto kong awayin nya ulit ako, gusto kong paiyakin nya ulit ako.

Pero naka-hanap na yata sya ng ibang iinisin, gagalitin, aawayin, at paiiyakin.

Sana.. Bumalik ang mga segundo, minuto at oras nung mga panahon na nag-aasaran kami para maramdaman ko ulit ang kasiyahan na nararamdaman ko mula sa kanya.

•••

"Harold! Bakit hindi mo na ako pinapansin?" wala na ang mga classmate namin, uwian na ngayon at hinintay ko si Harold.

"Paki mo ba?" walang ganang sagot nya. Teka, nag-sisimula na ba syang mang-asar?

"Eh kasi tao ako!" sabi ko sabay dila sa kanya.

Namiss ko 'yung ganito, 'yung wala kaming pakialam sa mga tao sa paligid namin. Basta't nag-aasaran lang kami..

"Hindi ako nakikipag-asaran sayo." ganito pala... Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan, tama nga sila. Sobrang sakit nga.

"Uyyy, galit ka ba?" tanong ko sa kanya habang sinusundan ko sya palabas ng classroom namin.

"Hindi."

 

"Eh bakit hindi mo ako pinapansin? Uyyy." tanong ko sa kanya sabay sundot sa tagiliran nya. Kung dati, sya lagi ang nangungulit sa'kin pero ngayon baligtad na.

Huminto naman sya sa pag-lalakad, ganun din ako. Humarap naman sya sa'kin habang naka-ngiti, sabay sabing..

"Asar talo na kasi ako

 

...na fall na ako sayo."

Last MinuteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon