Prologue
Pangarap ni Jean ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan.
Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit
guwapo. Pero masisira yata siya kay Joshua, isang guwapong lalaki pero 'boy' lang sa
resort na iyon. Nangungulit ito na makipaglapit sa kanya, kahit lagi niyang ini-snob. Pero
sa dakong huli, natagpuan niya ang sarili na naghahabol na rito. No matter what, kahit na
poor ito, ang mahalaga, he kissed her gently, he kissed her hard, at kaya siyang dalhin sa
langit kahit hindi siya makasakay sa airplane. And she doesn't care now kung magdildil
man sila ng asin sa hinaharap, basta mahal niya ito...