Chapter 3 - Akala ko hindi mo Pansin

6 0 0
                                    

KAHIT napaso na sa pakikipaglapit kay Steven, hindi pa rin nadala si Jean. Naroon na naman siya sa dalampasigan, looking for somebody na posibleng humango sa kanya sa kahirapan.

Iyon kayang isang iyon? Gwapo naman kahit may edad na. Nakatingin siya sa isang lalaking palakad-lakad sa dalampasigan. Aba, nabasa ko sa pinirmahan niya sa guest list na biyudo siya, ha? Kinilig siya nang maalala iyon.

Pero marami na tiyak anak ang lokong ‘yon. Mahirap na, baka ako pa ang lumabas na kontrabida sa buhay nilang mag-aama. Paano kung salbahe ang mga anak nila?

Ibinaling niya ang paningin sa ibang panig ng resort. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang palapit sa kanya si Steven.

Oh no! At palapit sa akin ang killer na ito! Hindi niya ako dapat —

“Jeah, wait for me babes!” sigaw ng german.

Oh no!

“A-ah, h-hi!” Napilitan siyang harapin ito.

“I’m looking for you all over the place yesterday, where have you been?”

“A-ah, I’m dead tired yesterday, so I-I decided to stay in my room t-the whole day.”

“Ah,” napatangu-tango ito. “Anyway, can I invite you for dinner?”

“H-ha?” Patay! Baka makahalata kapag tumanggi ako agad. “Ah. I have a meeting with my boss, you know. S-so I-I think I can’t go out with you tonight.”

“Oh, how sad. Anyway, how about a snack? It’s only four o’clock in the afternoon. Can you give me a little bit of your time?”

“H-ha? Ah, I think not now. I have to fix myself for the meeting, you know. My boss will be angry if I’m late. H-he’s very strick, you know?”

“Oh! I think that’s not the proper way of treating an employee as beautiful as you.”

“O-oh, thank you.” Kahit na ano pang pambobola mo sa akin, hindi na ako kakagat, oy!

“Anyway, how about tomorrow night? Have dinner with me?”

“H-ha?” Hmp! Kulit! “Ah, let us see. B-but I’m not so sure, ha?”

“Okay, that’s enough for me. I hope you can make it. Bye for now!”Bahagya pa itong kumaway.

“Y-yeah.” Nakangiwing kumaway din siya.

Whoo! Ang hirap namang itaboy ang isang iyon. Hindi pa nakahalata. Humarap siya patungo sa hotel.

“Ay!” Para lang magulat nang mabangga siya sa malapad na dibdib ng kung sino.

“Oh, I’m sorry!” Naging maagap naman ang lalaki sa pagsalo sa kanya kaya hindi siya tuluyang nangudngod sa katawan nito.

“Ouch!” Pero bahagya palang natapilok ang kanyang paa kaya bahagya siyang nauyot.

“Hey, anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.

Awtomatikong nagtaas ng paningin ang dalaga.

Then their eyes met.

It was two deep set of eyes, black, and she has that feeling na tagus-tagusan sa kanyang kaluluwa ang matiim na titig nito.

But still, tila siya nahihipnotismo at tila ayaw niyang ilayo ang paningin sa mga matang iyon.

Sa mga mata ng boy, tubero, at mahirap na pangatlong beses nang sumasanga sa kanyang landas.

“Nasaktan ka ba?” he said in a husky voice.

Tila musika sa pandinig niya ang narinig na boses.

Akala ko hindi mo Pansin ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon