Unice and Clark

54 1 0
                                    

Nakaupo ako sa isang bench dito sa park while waiting for someone.

Pinag mamasdan ko ang mga batang masayang naghahabulan with their own nanny. Habang sa kabila naman ay ang mga pamilyang masayang nagsasalo-salo, mga couple na masayang nag de-date at ang mga magkaibigan na masayang nagku-kwetuhan.

Sunday is a family day, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming tao dito ngayon.

Kung ganito nalang sana palagi na lahat masaya at walang inaalalang problema.

I do believe in forever, a great love story with a happy ending. I'm hoping that I will also have my happy ending with Clark.

Clark is my long time boyfriend, we shared every moments of our lives together for almost 8 years. Araw-araw kaming magkasama na halos hindi na kami mapaghihiwalay.

Mabait, maalaga, at mapagmahal na boyfriend si Clark. Wala na akong mahihiling pa mula sa kanya. We have a perfect relationship.

Sino bang mag aakala na ang gwapo, 6 ft ang height, at maputi na akala mo ay artista kung pumorma, in short a perfect man ay maiinlove sa isang simpleng katulad ko. Hindi ako kasing ganda katulad ng iniisip ng iba although talagang maputi at kutis mayaman ako. Hindi rin ako kasing tangkad ng iba dahil 5'4' lang ang height ko.

I'm so blessed to have Clark in my life. We are planning to get married after 2 years. 28 years old na ako non at si Clark naman ay nasa 30 years old.

"Unice!"
Nakatingin ako ngayon habang nakangiti sa boyfriend kung papalapit.

"Kanina kapa? Sorry ha may dinaanan pa kasi ako" he gave me a quick kiss on my lips.

"Hindi naman, san ka pumunta?"

"Nagpa booked na kasi ako ng ticket for my flight"

"Next week na pala alis mo noh?" Hindi ko napigilan ang malungkot. Aalis kasi siya papuntang America para tanggapin ang job offer sa kanya bilang engineer for 2 years contract.

"Hey" sabay hawak niya sa mukha ko " don't be sad, mabilis lang ang 2 years. If you want I'll reject the offer"

"No! Ayaw ko namang maging selfish. Nasanay na kasi akong palagi tayong magkasama tapos bigla nalang magiging long distance yong relationship natin pero kakayanin ko naman"

"Mahihintay mo ba ako? 2 years nalang naman at magpapakasal na tayo"

"Of course I will. Basta make sure may hihintayin ako?"

"Oo naman. I love you so much Unice" sabay halik sa lips ko.

"I love you too Clark"

Holding hands kami while walking. Nag ikot-ikot kami sa park, kumain tapos ay pumunta kami sa malapit na mall para manood ng sine. After 2 hours ay umuwi narin kami, hinatid niya ako sa apartment na tinutuluyan ko.

Pagdating namin sa apartment ay pinapasok ko muna siya dahil wala pa naman yong mga kasama ko. Umupo kami sa sofa saka nanood ng tv. Nakaakbay siya sakin habang yong isang kamay niya ay nilalaro ang mga kamay ko.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Nahihirapan akong umalis Unice. Parang hindi ko kakayaning malayo sayo"

"Alam kung mahihirapan tayo pareho pero kakayanin naman natin diba?" Naiiyak kung sabi sa kanya. Bakas sa mga mata niya ang lungkot kaya mas lalo pa akong naiyak. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

My Sad Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon