tama nga sila. nasa huli nga ang pagsisisi.
~
"Violet, gustung, gustung, gustung, gustung, gusto talaga kita!" sigaw ni Jonathan sabay nagflying kiss siya sakin. Nasa quadrangle kami ngayon kasi may program, Valentines program. tapos eto si Jon biglang gumawa ng eksena.
"tss. ewan ko sa'yo" yan na lang nasabi ko. ewan ko dyan sa Jonathan na yan. since 1st year hanggang ngayong 3rd year na kami, lagi na akong napapahiya dahil sa kanya. kung anu-ano kasi ginagawa, laging isinisigaw na gusto niya ako. kahit ngayon na may boyfriend na ako, si Irvin. pero close kami nyan kahit ganyan yan. lagi kaming magkasama. parang magbestfriends. I took his confessionssssss as a joke.
aaminin ko, gusto ko siya. pero mahal ko siya. nalito ba kayo? gusto ko si Jonathan pero mahal ko si Irvin. pareho naman silang gwapo, mas mayaman at matalino si Jonathan, pero basketball player sa school namin si Irvin. kahit mas matagal ng nanliligaw sa akin si Jon, mas pinili ko pa rin si Irvin. why? hindi ko alam pero TINGIN KO mas mahal ko lang talaga si Irvin.
"Hindi mo ba talaga ako pwedeng...magustuhan?" kalmado yung boses niya. hindi siya yung masayahin na laging nangungulit sa akin.
"Jonathan, gusto kita..." syempre may mga narinig akong umapila sa mga taong nakikinood sa amin ngayon. alam naman kasi sa buong campus yung tungkol sa amin ni Irvin e. "...pero mahal ko si Irvin."
sari-sari yung reaction ng mga nanonood samin. yung iba natouch dahil sa sinabi ko, yung iba nalungkot para kay Jon, yung iba naiinis kasi may boyfriend ako pero gusto ko din si Jon, yung iba natutuwa kasi may pag-asa na sila kay Jon, yung iba nanghihinayang para sa efforts ni Jon.
"Violet! huling beses ko ng sasabihin to." yung boses niya parang naiiyak na siya. "gustung gusto talaga kita, noon pa!" and with that, he walked away.
ewan. pero nalungkot ako dun. syempre, gusto ko siya diba? paano ba yan? wala ng mangungulit sakin. wala ng Jonathan na bigla bigla na lang sisigaw na gusto niya ako. wala ng Jona...
"Babe." tapos umakbay siya sakin. malamang si Irvin to.
agad naman akong ngumiti, medyo pilit na ngiti. "oh babe? andyan ka pala." inilagay ko naman yung kamay ko sa likod niya.
"nagmeryenda ka na? tara kain tayo." ganyan kami ng boyfriend ko, puro kain. kaso dahil basketball player siya, natatagtag agad yung kinain niya. e ako? dakilang tamad ako e.
...
summer vacation*
ilang linggo na rin yung lumipas simula nung itinigil ni Jon ang pangungulit sakin. dahil nasa second section lang ako at nasa first section siya, hindi ko alam kung ano na mga nangyayari sa kanya. namimiss ko na nga siya e. tuwing gabi, bago ako matulog iniisip ko kung kumusta na kaya siya. pati sa paggising ko, binabagabag pa rin niya ako. pag pumupunta kami ng mall o kaya sa park ng pamilya ko, parang lagi ko siyang nakikita kahit hindi naman pala siya. siguro, namimiss ko lang talaga siya ng sobra.
oppppsss! bago ko makalimutan. may date pala kami ngayon ni Jon... ahy! leshe, ni Irvin pala. so syempre ayun, nagayos na ako ng bongga. tapos sinundo na niya ako. pupunta lang naman kami ng mall e, manonood ng sine, papanoorin namin yung G.I.Joe.xD
matapos na kaming manood kaya kakain naman kamiiii. :))) pumasok kami sa Jollibee.
"babe oh, tara kain." nginitian niya ako tapos nagsimula ng kumain.
"hahaa. para ka talagang si Jon. parang nauubusan lagi pag kumakain. hahaha" naalala ko kasi nung nilibre niya ako noon sa jollibee nung hindi pa kami ni Irvin.
natigilan lang siya tsaka tumingin sakin. "kain ka na."
"hahaa. oo na po." tapos nagsimula na rin ako kumain. "naalala ko noon, pag kumakain si Jon ng chicken joy, tinatanggal muna niya yung balat kasi yun yung hinuhuli niya" napapangiti ako pag naaalala ko yung mga panahong magkasama kami.