Sana dalawa ang puso ko,
hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo…”Naranasan mo na bang mamili sa dalawang pinakamahalagang bahagi ng iyong buhay? Hindi ba’t mahirap? Tulad nitong sitwasyon ko ngayon. Oo isa akong manunulat, sabi nga nila experience is the best teacher dawkaya naman siyempre maganda magsulat kung talagang naranasan mo ang mga nilalaman ng iyong katha. Kaya nga nagkandagulo-gulo ang buhay ko ng dahil sa experience na iyan. Malapit na kasi ang araw ng pasukannoon, siyempre dahil isa nga akong manunulat kinakailangan kong makagawa ng isang istorya at siyempre ano pa ba ang temang makakapagbigay buhay sa mga tulad kong teens eh wala namang iba kundi pag-ibig. Sobrang tanga ko naman kasi kung bakit pinasok ko pa ang sitwasyong iyon. Sa totoo lang hindi pa kasi ako nagkakaboyfriend at ni wala rin akong may napupusuan. Sabi ko para maiba naman ang life ko magta-try ako ng isang gimik na kakaiba. Tapos naalala ko na paano kaya kung maghanap ako ng boyfriend. Take note: “Ako pa mismio ang maghahanap ha!” ang kapal ko talaga ano? Aba, parang pinatotohanan ko na yata na baligtad na ang mundo, siyempre babae ako. Well, hindi naman talaga ganoon ang totoo kong purpose, gusto ko lang naman talaganag magkaroon ng experience na magkaboyfriend para may maisulat akongarticle. Kitam, ang cheap ko talaga. Pero bahala na basta pagkatapos ng lahat ay hindi na ako uulit pa. Hindi naman totoong boyfriend eh, kunwari lang tapos ‘pag nagkaroon na ako ng ideya kung anong love story ang isusulat ko e di balik na naman sa normal ang buhay ko.
Nabuo na ang aking pasya. Pero ewan ko ba kung may papatol nga sa itsura kong ‘to. Haay naku, mahirap talagang maging writer, oo. Kung hindi lang talaga dahil sa article na ‘to di sana ‘di ko pa naisipan ang kalokohang ‘to. Ah, basta bahala na.
Ganito kasi ang nangyari . Noong gabing maalala ko na maghanap ng boyfriend may dumaang isang falling star kaya nag-wish ako kaagad. Sabi ko kung sino man ang unang lalaking makita kong nakasuot ng t-shirt na kulay blue kinabukasan ay siya na iyon. Tatlo lahat ang wish ko, tungkol lang iyon sa paghahanap ko ng boyfriend. Ang ikalawa sabi ko kinakailangang makita ko siya sa harap mismo ng gate ng school namin atlastly sabi ko sana ay mahulog ang puso niya sa akin. Napaka-weird ko talaga. Wala naman akong magawa kasi heto talaga ang totoong ako. Hahamakin ang lahat para lang makapagsulat.
Kinabukasan siyempre excited na ako, first day kasi ng mission ko eh. Maaga akong nagising, naligo at nagbihis. Tamang-tama naman at free daynamin ang ibig sabihin pwedeng hindi kami mag-uniporme. Hindi naman ako mahilig magsuot ng palda, hindi kasi komportable kaya ang endingnakapantalon pa rin ako ng ragged at naka T-shirt. Paborito ko kasi itong isuot at siyempre dala-dala ko pa rin ang bola ng basketball at ang knapsack kong bag. Sino ba naman ang mag-aakalang naghahanap nga ako ng boyfriend e sa itsura ko pa lang parang daig ko pa ang isang tunay na lalaki. Bahala na basta nag-wish na ako kagabi. Nagpaalam na ako at umalis ng bahay.
Pagdating ko sa may gate ay parang ayaw ko pang tumingin kasi parang nakakatakot. Grabe talaga ang aking kaba. At heto pa, alam ba ninyong parang maloka ako at mahilo nang matanaw ko ang dalawang lalaki na parehong naka-suot ng T-shirt na kulay blue at titig na titig sa akin habang pinagtatawanan ako. Gigil na gigil talaga ako, kaya sira ang araw ko at nalimutan ko na tuloy ang tungkol sa wish at plano ko. Wala akong nagawa at dahil sa sobrang inis ko ay sinugod ko ang dalawang lalaki at binato hawak kong bola. Tinamaan silang dalawa sa mukha. Pagkatapos niyon ay dali-dali akong tumakbong papalayo kaya hindi ko na nakita kung ano pa ang nagging ekspresyon ng kanilang mga mukha. Dumiretso ako sa canteen, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. At dinagdagan pa iyon ng mga mokong na bastos kanina. Haaay naku ano ba ‘to ang dami namang tao. Pero wala rin akong nagawa kundi makipagsiksikan sa mga iyon. Nang makarating ako malapit sa may pintuan ay may nakabangga sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ako ng lalaking nasa aking likuran kung hindi, malamang napakalaki na ng bukol ko. Kaya lang, laking gulat ko nang sa aking pagharap ay nakita ko na naman ang mukha ng dalawang lalaking kinaiinisan ko. Kaya, agad akong lumayo at pumila upang umorder ng pagkain. Pagdating ko sa cashier ay agad kong kinapa ang aking bulsa upang makapagbayad, pero teka lang mukhang nawawala yata ang wallet ko ah! Naku ano ba namang malas ‘to asan na ba ang wallet ko. Mapapahiya na talaga ako at parang maloloka na nang may mag-abot sa akin ng twenty pesos. Aba! Sila na namang dalawa. Bahala na, kailangan kong tanggapin ang pera naghihintay na kasi ang tindera. Hindi ko na nakuhang magpasalamat, dapat naman talagang gawin nila iyon kasi sinira nila ang araw ko kaya bagay lang na sila ang magbayad sa lahat ng kinain ko ‘no. Ang sarap-sarap ng pagkakasubo ko nang may magsalita mula sa aking likuran. “Ibang klase ka talaga miss, tinulungan ka na nga hindi ka a nagpasalamat tapos, tatalikuran mo lang kami.”
Napalingon ako at muntik pa akong mabulunan. Pagharap ko ay ang mukha na naman ng dalawang lalaking kaaway ko kanina ang tumambad sa akin. Hindi na talaga ako nakapagpigil. “Aba,aba,aba mukhang kayo pa yata ang may lakas ng loob na manumbat at magalit sa akin! Hoy, mga mokong for your information sinira ninyo ang araw ko at pwede ba, umalis na kayo sa harapan ko kasi baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa, okey!”
“Bakit ba ang sungit-sungit mo miss eh magso-sorry pa naman sana kami.” Sambit ng lalaking may hawak na bola.
“Wala akong pakialam sa inyo, at isa pa hindi ako tumatanggap ng sorry lalo na ng mga taong katulad ninyo at saka bakit ba ang kukulit, ninyo ha?”
“Ok,ok, hindi ka na naming kukulitin basta magkakaroon tayo ng deal.” Ang isa na naman ang nagsalita.”
“Alam nyo ang gulo ninyong kausap at ang kakapal talaga ng mga pagmumukha ninyo, ano?” Bulyaw ko sa kanila
“Sige na, pumayag ka na kasi, kung ayaw mong hindi ka namin titigilan.” Sabi uli ng may hawak ng bola.
“Whew nakakainis talaga kayong dalawa, ano bang deal na yan, bilisan nyo na nga at nang makaaalis na ako.”
“Nakita ka namin kanina na may hawak na bola. Ibinato mo pa nga sa amin eh. Simple lang naman itong deal, tatalunin mo lang naman kami sa basketball. Kapag natalo mo kami, free ka na, pero kapag nanalo naman kami, pipili ka sa amin kung sino ang magiging boyfriend mo.” Sambit ng lalaking nakabag.
“O, ano payag ka na?” sabi ng may hawak ng bola
Nanlalaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala sa sobrang kakapalan ng mukha ng dalawang kaharap ko. Kaya lang ay may naalala ako. Ang wish ko nga pala kagabi. Ito na siguro ang chance na magkaroon ako ng boyfriend. Walang kamalay-malay ang dalawang mokong na mabibiktima ko sila. Siyempre kunwari pakipot muna ako tapos pumayag na rin.
“Sige payag na ako basta siguraduhin lang ninyo na matatalo ninyo ako.”
Tuwang-tuwa ang dalawa at sabay pang napahawak sa kamay ko at hinila ako sa gitna ng basketball court. Mabuti na lamang, wala nang maraming tao at walang may nakakita sa amin kasi uwian na.
“Hoy, ano ba kayong dalawa, bitiwan nyo nga ang kamay ko!”
“Teka, hindi pa nga pala tayo nagkakakilala ano? Sabad ng lalaking may hawak ng bag.
“Anyway ako nga pala si Paul, dugtong nito, sabay abot ng kanyang kamay sa akin.
“At ako naman si Reyven. Sabad naman ng lalaking may hawak ng bola.
Sabay silang dalawa sa pag-abot ng kanilang mga kamay sa akin.
“Gen.” Sagot ko lang at hindi na ako nagkamay pa.
“Ok let’s start the game.” Sabi ko na lang.
Sa una ay medyo nahirapan ako, magagaling kasi sila at take note, dalawa sila ang kalaban ko. Nang nasa kalagitnaan na ng laro ay malapit ko na sana silang matalo kaya lang ay nadapa ako at nadaganan ko si Paul. Hindi ako nakatayo kaagad kasi hingal na hingal ako at pagod na pagod na ako sa kalalaro.Tumambad sa akin ang kanyang mukha at nasamyo ko ang mabango niyang hininga, napatitig siya sa aking mga mata at gayundin ako. Parang hinihigop ng kung anong kuryente ang aking katawan at hindi ko na makuhang makatayo. Napakatagal ng aming pagtititigan. Ngayon ko lang na-appreciate, gwapo rin pala ang mokong. Siguro perfect description nga sa kanya ang tall, dark and handsome.
“Hoy! Ano ba kayong dalawa magtititigan na lamang ba kayo diyan hanggang bukas, “ sabi ni Reyven.
Noon lang ako nakabawi, pero hindi pa rin ako makatayo, pinilit ko ang aking sarili. Mabuti na lamang at inalalayan ako ni Reyven.
“O, ano laban ka pa, talo ka na kasi eh! Killer looks lang pala ni Paul ang katapat mo,” pang-iinis ni Reyven.
“Hmp, tumahimik na nga kayong dalawa, for your information. Mainlove lang ako sa iba hindi lang sa mga katulad ninyo.”Pinamumulahan na ako ng mukha. Kaya yumuko na lamang ako at inayos ang aking sapatos tapos ay tumalikod na ako. Akma na sana akong tatakbo ng pigilan ni Paul ang aking kamay.
“Ooops, may nakalimutan ka yata ah! Paano na ba ang deal, sorry kasi natalo ka eh, kaya kailangang tuparin mo to, okey!”
“Ano ba talaga kayo, hindi na ba talaga ninyo ako titigilan. Oo natalo nga ako, so ano ngayon kung natalao, eh ayokong sundin ang deal. Kaya diyan nalang kayo at sorry din kasi naloko ko kayo. Bye.” Dire-diretso ang aking takbo papalayo. Hindi ko na nakita kung ano ang naging expression ng mga mukha nilang dalawa.
Pagdating ko sa bahay ay diretso ako kaagad sa banyo, nag-half bath, tapos kumain at nagpahinga na. Pakiramdam ko ay hinabol ako ng sampung aso. Nanakit ang buo kong katawan.
“Anak, nag-aapoy ka sa lagnat ah, ano bang nangyari sa iyo?” Ang mama ko.
“Wala ma, napagod lang siguro ako. Hihingi na lamang po sana ako ng gamot.”
“Okey, magpahinga ka na lamang diyan para gumaling ka kaagad.”
Kinabukasan ay hindi nga ako nakapasok, hindi ko kasi kayang tumayo, masyado kasing masakit ang aking buong katawan. Maya-maya ay pumasok si mama sa aking silid. May bisita raw ako. Sino naman kayang mga asungot ang naparito sa bahay.
Hi!, Gen kumusta” bati nito sa akin
Laking gulat ko nang sa paglingon ko ay nakita ko na namang muli ang mukha ng dalawa kong kaaway. At ang kakapal talaga ng mga mukha, aba’y akalain nyo ba namang pumasok agad sa kwarto ko. May dala-dala pa ang mga ito na prutas at mga bulaklak.
“Kayo na naman, ano ba kayo, mga mangkukulam? Paano ba ninyo nalaman na dito ang bahay namin at paano rin ninyo nalaman na may sakit ako? Siguro mga mangkukulam nga kayo, ano?”
Lumabas na si mama, kaya kaming tatlo lang ang naiwan.
“Huwag ka nang magalit,heto o dinalhan ka namin ng mga prutas at bulaklak.” Sabi ni Paul.
“Ano kayo hilo,kelan ba talaga ninyo ako titigilan ha? At saka kung ako sa inyo iuwi nyo na lang iyang mga dala-dala ninyo kasi baka malason pa ako at mamatay nang tuluyan.”
“Huwag ka namang magbiro ng ganyan, sige ka, kapag namatay ka eh di wala na kaming magiging girlfriend at saka sayang naman kasi maganda ka naman at gwapo rin naman kami.” Sabi ni Reyven.
Inis na inis na talaga ako, kaya nagtulug-tulugan na lamang ako para hindi ko na sila makita pa. Akala ko ay titigilan na nila ako, pero hindi pa pala.Naramdaman kong may humawak sa dalawa kong kamay.
“Alam mo Reyven, itong kamay na ‘to kapag ako ang napili siguradong hinding-hindi ko na bibitiwan pa.” ani Paul.
“Akala mo naman magpapatalo ako sa iyo, kapag ako naman ang napili siyempre magbubuhay prinsesa siya kasi lagi akong luluhod sa kanya at hahalikan ang kanyang mga kamay.” Sabad naman ni Reyven.
“Ang kukulit talaga ninyong dalawa. Hindi na ba kayo nagsawang asarin ako? Ni hindi ko pa nga kayo kilalang lubusan, eh kung makaasta kayo akala ninyo matagal na tayong magkakasama.”
“Sige na, pumayag ka na kasi sa deal.” Pangungulit pa rin ni Reyven.
Doon nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Dahil lang sa deal at siyempre dahil din sa wish ko. Habang tumatagal ay lalo akong napapalapit sa dalawa at gayundin sila sa akin. Wala akong pinipili sa kanila kasi magkatimbang at pantay sila para sa akin. Walang araw na hindi kami magkakasama. Kulang na nga lang ay magkakatabi na kaming matulog. Nalimutan na nga namin ang tungkol sa deal, eh. Isang araw noon ay nagkayayaan kaming pumunta sa beach para mag-outing at heto ang nangyari.
“Gen, alam mo, matagal ko na talagang gustong sabihin ito sa iyo, kaya lang hindi talaga ako makahugot ng lakas ng loob. Gen, mahal na mahal kita. Simula palang kasi nang una kitang makita sa school, sabi ko ikaw na nga ang babaeng hinahanap ko. Iba ka kasi sa lahat ng mga nakilala ko.Totoo ka sa iyong sarili at alam mo ba kung ano ang lalong nagustuhan ko sa iyo? Ang pagiging boyish mo at saka nakakatuwa ka kasing inisin kasi lalo kang gumaganda.” Sinasambit ito ni Reyven habang nakatitig sa aking mga mata. Hawak-hawak niya ang aking kamay habang itinatapat niya ito sa kanyang dibdib.
“Ano ka ba, huwag ka na ngang magdrama diyan. Hindi naman bagay sa iyo eh. Halika maligo na lang tayo, samahan na lamang natin si Paul. At saka wala akong balak magkaboyfriend ano.” Binalewala ko kunwari ang kanyang sinabi, pero ang totoo grabe na talaga ang kalabog ng aking dibdib.
“Teka lang Gen, hindi naman ako nagbibiro ah, totoo ang lahat ng mga sinabi ko sa iyo. Kahit na wala pa ang deal talagang mahal na mahal kita.Please ako na lang ang piliin mo. Maawa ka naman sa akin, gusto mo lumuhod pa ako sa harapan mo ngayon. Please naman,” pamimilit pa rin ni Reyven. Hindi namin alam na tanaw na tanaw pala kami ni Paul mula sa dagat.
Tumakbo akong papalayo para maiwasan ko si Reyven. Sa katatakbo ko ay hindi ko namalayan na nadapa na ako at muli’y may nanumbalik sa aking alaala noong unang nadapa ako sa basketball court,parang naulit muli. Si Paul pa rin kasi ang nadaganan ko. Masuyo niya akong tinititigan, parang may gusto siyang sabihin. Napapaiyak na ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ang mga tingin niya ay parang nanunuot sa aking buto.
“Gen, I Love you with all my heart and my soul. Alam ko nahihirapan kang mamimili sa aming dalawa ni Reyven. Iginagalang ko ang iyong desisyon, kung ano man
iyon, ok lang sa akin. Pero ang masasabi ko lang, hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka rin lang sa akin.” Sa wakas ay nasambit ni Paul sa akin. Umiiyak na rin siya.
“Ayoko na,pagod na pagod na ako, pwede bang pabayaan na ninyo akong dalawa. Marami pang ibang babae diyan, hindi lang ako nag-iisa sa mundo.”
“Gen, mahal na mahal ka namin. Alam kong mahirap pero kailangan mo na talagang magdesisyon.” Ssbi ni Paul.
Naguguluhan na ako nang mga panahong iyon kaya gumawa nalang uli kami ng deal. Sabagay, gusto ko na ring makalabas sa problemang ito. Alam kong nakakatakot pero kailangang matapos na.
“Ok sa Lunes, grand finals ng basketball sa school. Dawalang team ang maglalaban. Kailangang pumili kayo ng tig-iisang team. Kung kaninong team ang mananalo siya rin ang sasagutin ko. Deal?”
Kabadong-kabado ang dalawa sa pagpili ng team. Nakita ko ang tension at tuwa sa kanilang mga mukha. Sa wakas ay matatapos na rin ang matagal na naming problema. Kahit ako, kinakabahan rin sa magiging resulta ng laban. Ngayon ko lang naalala na mahirap palang magmahal at mamili. Sa totoo lang, ayoko talagang may masaktan sa kanilang dalawa, kasi pareho ko silang mahal. Walang may nakakalamang sa isa’t isa. Pero ganyan talaga ang laro, kailangang may talo at panalo.
Kinalunesan,kaming tatlo ay hindi na mapakali. Sinundo rin nila ako sa bahay para sabay kaming makapanood ng laro. Nagpareserve na kami kaagad ng seat sa unahan para makita namin kung sino talaga ang mananalo. Noong araw na iyon ay simple lang napili kong isuot. Naka-shorts lang ako at naka t-shirt nang medyo hapit sa katawan, tapos ay nakapony-tail ang aking buhok. Nang papalabas na kami sa gat tinanong ako ni Paul kung saan daw ba masarap halikan ang isang babae. Nabigla ako at pinamulahan ng mukha. Nataranta ako sa pagsagot ng…
“Sa… sa leeg.” Lalo pa akong pinamulahan ng mukha ng titigan niya ang aking leeg.
“Ah… eh… huwag mo nang pansinin ang sinabi ko. Ang totoo, wala talaga akong alam tungkol dyan, sige aalis na tayo.”
Si Reyven naman ay titig na titig lang sa akin.
Pagdating namin ay kauumpisa lang ang laro. Close fight ang laban kaya unpredictable kung kaninong team ang mananalo. Nariyang lumalamang ang team ni Reyven. Nariyan namang ang kay Paul ang nangunguna. At heto na nga, dumating na ang aming pinakahihintay, ang final round ng laro. Halos, ayoko nang manood habang ang dalawa ay tahimik lang sa pagbabantay ng resulta. Last shot panalo ang team ni Paul. Hindi ako makapaniwala, akala ko ay may iiyak pero parang iba yata ang nangyari. Nagkayakapan pa ang dalawa. Sa palagay ko ay silang dalawa lang ang may deal at parang silang dalawa na ang magkakatuluyan. Hamakin mo ba namang halos hindi na sila magbitiw sa pagkakayakap sa isa’t-isa. Lahat na nga ng spectators ay sa kanila na napatuon ang atensyon. Ni hindi na nila ako napansin, sa isip ko ang kakapal talaga ng mga mukha, siguro nga lahat ay pustahan lang nila. Napapaluha na talaga ako at patakbo na akong palabas nang may pumigil sa akin. Si Paul.
“Ganyan naman talaga kayong mga lalaki eh, pinaglalaruan nyo lang kami.I hate you!!”
“Oooyy, nagseslos ang baby.” Sabi ni Paul
Mayamaya ay biglang sumeryoso ang dalawa.
“May ipagtatapat sana kami sa iyo,” ani Reyven.
“Sige na, sabihin nyo na para hindi na ako umasa pa.”
“Gen, si Reyven ah..eh..ano kasi eh.. Reyven ikaw na nga ang magsabi ng totoo.”
“Ummm, una sa lahat, binabati kita Paul dahil nanalo ka sa laban at ikaw din Gen, Tol iingatan mo si Gen ha.Alam mo, hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ito Gen, pero sasabihin ko na talaga. Good news ito at siguradong ikatutuwa mo.”
Gulong-gulo na ako kung ano ba talaga ang gustong sabihin ng dalawa sa akin.
“Gen, ang totoo alam mo ba kung bakit masayang-masaya kami at walang umiyak sa aming dalawa? Kasi wala kang nasaktan. Ang galing mo kasing mag-isip ng deal. Kasi may deal din kami ni Paul, eh. Sasabihin ko talaga Gen na..na..bakla kasi ako.” Nanlalaki ang aking mga mata at halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Reyven. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako sa kanya. Napaluha tuloy ako at hindi ko naman maintindihan kung bakit.
Ipinagpatuloy ni Paul ang pagsasalaysay.
“Tama siya Gen, ang deal kasi namin, kailangan ko siyang paranasin na maging isang tunay na lalaki; at ako naman kailangan kong magkaroon ng girlfriend. Ang deal, kapag ako ang pinili ng girl, ibig sabihin ay talagang bakla siya at siyempre sa wakas ay matutupad na ang matagal kong wish na magka-girlfriend.”
Sabay-sabay kaming talong nagkatawanan at mas lalo pa iyong lumakas ng sabihin ko rin sa kanila ang deal ko sa aking sarili.
Ano akala ninyo, hindi happy ending ang love story ko no?
Ngayon, masayang-masaya na kaming tatlo. At alam ba ninyo kung saan ako unang hinalikan ni Paul. Siyempre ang first kiss ko ay hindi sa lips kundi sa leeg. O hindi ba unique ? Kayo, meron ba nito?
Magkakasama pa rin kaming tatlo kaya lang si Reyven ay talagang bumalik na sa pagkabading. Pero masaya na ako kasi at least natapos na ang lahat. At siyempre nagkaroon na ako ng boyfriend na talagang mahal na mahal ako. Kasi tanggap niya kung sino at kung ano ako....
BINABASA MO ANG
Sana Dalawa Ang Puso Ko
RomanceHali na't tunghayan ang pag iibigan ng dalawang nag mamahalan.