Star #1

46 2 0
                                    

He doesn't know, hindi nya alam, he doesn't notice, hindi nya napapansin na araw-araw...i slip away from him, hindi masyadong maigpit ang pagkakakapit nya sa akin, parang lang akong stuff toy nya, sa una kakapit ka talaga ng maigpit pero sa una lang yun dahil sa pagtulog nya unti-unting nawawala ang kapit nya sa akin.

Saklap noh? Pero ganyan naman talaga eh hindi ko alam kung bakit nya ako nakakalimutan, kung bakit nya ako nabibitawan ng ganung kabilis habang sa iba kahit natutulog na sila hindi pa rin lumuluwag ang pagka-hawak nila sa isa't-isa, true love siguro yun, wala pa ata sa akin hindi na ata yun dadating may nahanap na sigurong iba.

May nahanap na din bang iba si Lucas? Siguro, may nahanap na syang bagong moon nya parati nyang sinasabi sa akin, "You're my one and only moon" pero dati lang yun minsan na lang kami mag-usap minsan na lang din kami magpansinan saklap talaga.

Nawawala na yung moon sa kanya hindi nya pa rin napapansin binibilang pa rin nya yung mga stars nya kahit gaano kalaki yung moon minsan nakakalimutan mo na sya kasi alam mo namang nandyan sya palagi, pero pagdating ng 'new moon' mawawala sya sayo hahanaphanapin mo sya pero kinabukasan nandun na sya, pero may isang araw na mawawala talaga ang moon mo sayo at hindi na sya babalik, pag may isang bagay na nawala ano yung una mong ginagawa? Diba hahanapin mo? Magtatanong ka pa diba sa mga tao kung nakita nila? Pero yung tunay na nag-aalaga sa bagay na iyon ang una niyang gagawin ay tanungin ang sarili nya, "May ginawa ba ako para mawala yun sa akin?" yun yung tunay na tao na nag-aalaga, yun yung true love, yung true love na inaasam-asam natin na makamtan pero kailangan pa natin maghintay, 'patience is key' daw pero sometimes you have to make the move before it's gone forever at mag regret ka sa huli.

Yun yung pinaparamdam ko sa kanya, yun yung pinapakita ko sa kanya pero, hindi nya man lang napapansin parang balewala lang ako sa kanya, parang pabigat lang ako sa kanya.

May basketball scholarship kasi sya, may choir din syang ina-attend and then andun pa yung family nya sya yung panganay sa magkakapatid at sya yung dinedepend ng parents na grumaduate at tulungan ang mga kapatid nya, andun pa yung studies nya required sa basketball scholarship nya na at least 85 and above ang average nya at kailangan 90 and above ang average nya para mapasama man lang sa honors, and andun pa yun course na kukunin nya hindi pa sya nakapili pero kailangan nya na makapili para sa K-12 na year kahit freshman palang kami ang dami nya ng kailangan gawin tapos nandun pa ako parang pabigat lang ako sa kanya.

So each and everyday he doesn't realize that his moon is slowly slipping away from him.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He lost the MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon