•Chapter Three•

21 4 0
                                    

Jc's Point of view

"Dapat sayo mawala sa mundong ito!"

"Dapat ikaw ang mawala, dahil ikaw lang naman ang ahas dito!"

"Hindi ako ang ahas, ikaw ang nang-agaw dahil in the first place sakin talaga siya."

"Walang sayo dahil ako ang minahal niya!"

"Nilandi mo siya, kaya ka niya minahal na dapat ako!"

What the hell anong panaginip yun? Sh!t first time kong mag karoon ng nightmare.

Dumiretso ako sa banyo at ginawa ang mga ritual na ginagawa ko tuwing umaga.

Napapaisip pa rin ako sa panaginip ko kanina. Masyadong malabo kaya hindi ko makita kung sino. Hindi ko alam kung ako ang isa dun.

"Hija, tulala ka? Hinanda ko na ang almusal mo, kumain ka na."

"Ah sige po, salamat."

Pumunta na ako sa kusina at kumain. Ako lang mag isa, dahil sila daddy at mommy nasa ibang bansa ako lang mag isa ang nasa mansyon kasama ang mga kasambahay, hardinero at driver.

So hindi rin ako mag isa, marami akong kasama. Sad to say wala akong kapatid.

Tapos na kong kumain, ang daldal ko haha.

Bumalik uli ako sa kwarto nagtoothbrush, hilamos at nagbihis.

Tada!!

Ready to school.

"Good morning Madam."

"Good morning din po."

Sumakay na ako, siya si manong Joe siya ang naghahatid sundo sa akin sa school parang service ko na siya.

10 years na siyang nag tratrabaho sa amin.

"Madam, andito na po tayo."

"Thank you po."

Pumasok na ako at ang sumalubong agad sa akin ay sino pa ba walang iba, best friend forever si Josephine.

"Aga, mo ah." Maangas na sabi niya kasama ang boyfriend niya.

"Wala lng." Oo nga ang aga kong pumasok, lagi kasi akong late sa klase, pero dahil sa nightmare ko maaga ako naka pasok.

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong niya.

"Bakit dumating ba si tita kaya may gumising sayo?" Aish, tanong niya uli, na pailing na lang ako tinatamad kasi akong mag salita.

"Okay, tara cafeteria tayo." Tinignan ko siya at nag bigay na look na *kasama siya?* sinong siya? Malamang yung boyfriend niya.

"Sige babe, alis na ako andyan na rin kasi yung mga ka-tropa ko." Sabi ng boyfriend niya at nag PDA pa.

"Sige, 'oh, tara na umalis na." Hinaltak niya na ako pa puntang cafeteria.

Kung tatanungin niyo kung ano ang ginawa namin?

Tanungin niyo rin ang sarili niyo kung ano ang ginagawa sa cafeteria.

A/n: Sorry kung lame, katamaran kasi ng inyong manunulat. Saka bitter kasi ako. Gusto kong mag drum and lyre.

©Ursmile_0802

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon